Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ang puso niya ay walang tigil sa malakas at mabilis na pagtibok. "Law..." "Please, remember me, Maxine." Dahan-dahan, inilapit nito ang mga labi sa labi niya, "remember me, baby." He kissed her. Deeply. Passionately. "Remember me." She does. She remembers some part of their past but not all. Hanggang doon lang sa tattoo shop pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung bakit kahawig ng tattoo niya ang tattoo ni Law. Tinugon niya ang halik ni Law ng buong puso. Mahigpit siyang yumakap pati mga binti niya ay niyakap niya sa mga beywang nito habang mas nagiging mapusok ang halikan nilang dalawa. Mukhang nabibitin si Law dahil pinakawalan nito ang mga labi niya saka hinawakan siya sa beywang at lumangoy ito pabalik sa Yacht at tinulungan siyan

