Prologue

200 Words
Prologue Kinailangan kong magsinungaling upang makatakas sa gusto ng mga magulang ko, ayokong makasal sa taong mas matanda pa sa mga magulang ko kahit pa kaibigan nila ito. Oo mayaman ang lalaking yun, maiaahon niya kami sa kahirapan, ngunit hindi ko maatim na makisama sa ganung lalaki, may pangarap din ako at yun ay ang maikasal sa taong mahal ko kahit na ano pa ang estado niya sa buhay. Kaso nga lang. Kinailangan kong magpanggap na fiance ni Terrence dahil wala akong mahanap na maaaring maging kasintahan na maipapakilala sa mga magulang ko. Ginamit ko ang isang taong walang maalala upang makuha lang ang kalayaan na gusto ko. Nakakakonsensya ang magsinungaling. Araw araw akong nagpapanggap sa lahat, napakahirap ng sitwasyon ko lalo pa at nahuhulog na paunti unti ang loob ko sa taong ginawan ko ng kasinungalingan, at ginawan ko ng ibang pagkatao. Paano na lang kung bumalik ang ala-ala niya? Paano na lang kung may makakilala sa kanya? Saan ko ilulugar ang sarili ko? Hindi ko alam kung paano iparaya ang taong minahal ko at hinubog ko sa ibang pagkatao, lalo pa at may ibang babae pala na naghihintay sa kanya, ang babaeng totoong mahal at pakakasalan niya sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD