"Moon sa likod!" Napalingon ako sa likod ko at agad na pinana ang kamukha ni Shadow na pasugod sa akin, agad namang tumama ang arrow sa ulo ng kamukha ni Shadow kaya bumalik ang paningin ko sa harap at agad na umamba ng pana ng biglang tumalon mula sa likod ko si Star at pinatay ang kamukha ni Rain. Naka ngiti kong binaba ang pana ko ng dahan dahang nag bago ang paligid namin hanggang sa nakita na namin sila Admiral at Admin na naka ngiti habang hawak ang remote ng simulator. "Nice one guys." Bati ni Admiral at pumalakpak. "Masaya kong sasabihin sa inyo na kami ay pinahanga niyo." Sabi nito. Napangiti naman kami. "Kabisado niyo na kung paano gamitin ang mga sandata niyo." Nakangiting sabi ni Admin. "Bukas ay panibagong training ang gagawin niyo at aasahan ko na tuturuan niyo si Red sa

