Kinabukasan ay maaga kaming nagising upang mag handa ng mga gamit na aming dadalhin sa Arena, Limang araw na lamang ay Laban na namin ngunit pinapapunta na agad kami sa Arena upang doon ay makilala namin ang mga makakalaban namin at upang makapag ensayo ng maigi. "Ayus na ba ang lahat?" Tanong ni Admiral sa amin ng makalabas kami sa elevator. Tinulungan ako ni Shadow sa pag labas ng bag ko sa elevator. "Nasan nga pala si Star?" Tanong ni Rain. Napatingin kami sa hagdan ng may marinig kaming takbo pababa. "May multo sa kwarto ko!" Kinakapos sa hiningang sabi ni Star. Napakunot ang nuo namin at natawa dahil sa itsura niya, halatang bagong gising palang siya at mukhang di pa niya naaayus ang gamit niya. "Anong multo pinag sasabi mo Star, walang ganon dito."sabi ni Ice. "Totoo nga!" Takot

