Mahigit isang oras na akong naririto sa office nila Admira, ang mga kasama ko ay nag punta na sa venue dahil inutusan sila ni Admiral. Kanina lamang ay may tumingin na sa akin na isang matanda na tinatawag ni Admiral na Healer. Kanina pa sila nag uusap sa loob habang ako ay naririto at hinihintay ang sasabihin ng Healer sa akin. Ngayun ay klaro ko ng nakikita ang itsura ko, maga ang buong mukha ko at parang may bukol na tumubo sa ilalim ng mga mata ko, ang pisngi ko ay tumabingi habang nagkaruon ng kulay itim sa gilid ng aking labi. Hindi ko alam kung saan at paano ko ito nakuha, basta kanina lamang pagka gising ko ay masama na talaga ang pakiramdam ko. Napalingon ako sa isang pinto nitong office nila Admiral ng mag bukas yun, iniluwa non asila Admiral at ang healer na nag uusap. Sabay

