Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maagang makapag simula ng pag lilinis sa Garden, doon ang balak naming linisin ngayun. Lima ang Garden ng Moonlight. Dalawa sa North Isa sa West, isa sa South at ang isa ay nasa entrance ng Moonlight. Hindi pa kasama ang Garden na pinuntahan namin ni Zero nong isang araw. Bago ako umalis ay nilutuan ko muna ng almusal ang mga kaibigan ko at nag iwan ng note na mag sisimula na ako mag linis. Sanay naman na akong magising ng maaga dahil sa maaga akong umaalis sa bahay noon para mag tungo sa palenke at mag benta. "Ms Moon." Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Admin na naka kunot ang nuo habang naka tayo sa harap ng pinto ng Building ng mga Steler. "Good morning po." Bati ko at ngumiti. "Ano't maaga kang nagising?" Tanong niya habang n

