Pag pasok namin sa salamin na hugis kahon ay may mga naka hilerang upuan sa gitna, bagay na hindi namin nakita kaninang nasa labas kami ng salamin na ito. "Mag siupo kayo."sabi ni Admiral at pumwesto sa harap, umupo kami sa upuan na naka helera. Habang hawak hawak namin ang mga armas na kinuha namin, nag bukas naman ang projector at mula sa white board na masa harap namin ay nakita namin ang mga sandata na kinuha namin. "Simulan natin sa sandata ni Red." Sabi ni Admiral at nag swipe sa hangin, napalitan naman ang larawan na nasa harap namin ng larawan ng sandata ni Red. "Ang sandatang nakuha ni Red ay ang 9.dy Canyon, isang sandata na nag lalabas ng bomba at bala ng baril." Paliwanag ni Admiral at nag swipe ulit sa hangin at doon nakita namin ang tatlong button sa armas na kinuha ni Red

