ALICIA Ikaapat na araw na ngayon ng palaro, at mamaya nga ay may mga artistang darating. Kay Linda ito naka-assign kaya naman ang laki ng ngisi niya at pinapamukha pa sa akin na pipitsugin ang variety show ko. Hindi man direktahan, pero may mga maliliit siyang pasaring kapag nadadaanan ako. Katulad ng: “Ang gwapo at ang galing kumanta talaga ni Daniel. Habang ang iba riyan, hindi ko alam kung napag-aralan ba ang talent.” “My artist is really good in dancing, habang ang iba riyan ay sayaw kalye ang alam.” “Uugatan ka talaga kakahintay sa kanila kung kailan mo sila makikita dahil sikat sila. Ang iba riyan, ang mga alaga hindi pa nga kilala sa lipunan.” Marami pa siyang sinasabi pero binalewala ko na lang. Wala rin naman akong mapapala sa pinagsasabi niya. At ang hindi niya alam, hindi l

