ALICIA Palagay ko nakahinga ako ngayong araw na ito. Hindi dahil sa pagod ako noong nakaraang araw, kundi parang nasu-suffocate ako sa presensya ni Travis. Noong nakaraang araw ay palagi ko siyang nakikita para magpaturo sa akin. Pero dahil sa University Festival, naging abala siya sa bagay na hindi ko alam. Kaya ngayon ay hindi siya nakakapunta, hindi rin ako maaakit. Hindi iyong nasasakal ako dahil sa inis, kundi nahihirapan na akong umiwas. I know, napakababaw at napakadali kong madala sa kaniya lalo na’t palagi ko siyang nakikita. Sa bawat parte ng katawan niya ang makita ko ay iba agad ang pumapasok sa utak ko. Alam kong hindi ko siya mahal at itong nararamdaman ko ay tawag lang ng laman. Baka tama nga si Cleo, kailangan ko ng madiligan at inaagiw na nga raw ako. Kailangan ko n

