Kapwa nakahiga lang kami ni Kraven sa kama pagkatapos ng madugong labanan naming dalawa sa kama. nababalutan ng kumot ang aking kahubdan at ganoon din siya hanggang baywang. parehong kalamado na ang aming paghinga at balik na sa totoong mundo ang aming kamalayan.
All the while ay ginusto ko naman ang nangyari ulit sa amin at wala akong pinagsisihan. Hindi naman siguro ito magiging sagabal sa misyon ko. at alam ko din na magpapa investigate ito tungkol sa akin kasi kagabi habang nag hahapunan kami nakita ko sa mga titig niya na gusto niya pa akong makilala.
Napabuntong hininga nalang ako, naiisip ko na pag nalaman niya ang tungkol sa pagkatao ko, mauulit pa kaya ang ganitong nangyari sa amin? gugustuhin niya pa kaya na maangkin akong muli?
Ay erase erase bahala na nga siya. basta ang mahalaga sa akin ay matapos ko ng maayos ang misyon at makabalik na sa manila.
Pagkagising ko ay mag isa nalang ako sa kama. saglit kung nakalimutan kung ano ang nangyari. natiklop na pala ng maayos ang nahubad kung damit kagabi. malagkit ang pakiramdam ko at kailangan kung maligo bago ako umalis.
Nakita ko ang isa pang pinto sa silid. pumasok na ako roon, bitbit ang mga hinubad ko at ang kumot na gagawin ko na ring tuwalya. hindi na ako nagsabon kaya madali lang akong natapos. ipinunas ko ang kumot.
Gising ka na. sabi ni kraven pagkakita sa akin.
Baka tulog pa talaga ako at kaluluwa nalang tong nakikita mo. pasuplada kung sagot sa kanya na ikinatawa naman ng kumag na doctor.
Tara na sa kitchen, naka ready na ang almusal na niluto ko. yaya nito sa kanya.
Baka gusto mo muna akung matapos magbihis para makakain na. gutom pa naman ako at puwede ka ng mauna sa mesa at susunod nalang ako. sabi niya dito ng mahinahon at baka hindi pa siya pakainin eh sobrang gutom na gutom na talaga siya.
Aalis ka na ba, pagkatapos mong kumain? tanong ng poging doctor sa kanya. Oo pogi kasi literal na pogi naman talaga, makalaglag panty, bra at iba pa. naku naku ano na naman itong naiisip ko, naluluka na naman ako.
Ahm. yes aalis ako may naiwan akong kasamahan eh baka nag aalala na yon kasi hindi ako nakauwi at hindi rin matawagan. pagsisinungaling niya para payagan na siyang umalis, may minamanmanan siyang drug dealer na kailangan madakip kaya dapat after dito mag fo-focus na dapat sa mission ko. gusto ko ng matapos para makapag pahinga naman ako ng medyo matagaltagal at mag bakasyon sa tabing dagat na walang mission na iniisip.
Sige, gusto mo ba ihatid nalang kita kung saan ka uuwi? tanong ni Kraven.
Hindi na, doc. kaya ko na po umuwi mag isa safe naman sa daan at sa uuwian ko. pagtanggi niya sa doctor.
hinatid siya ng doctor sa may pinto.
Thank you, doc. sabi niya
tumango lang ito at tinititigan siya sabay sabing. ingat ka at sana magkita pa tayong muli. sabi nito sa kanya.
Goodbye Kraven. lumapit siya sa binatang doctor at kinintalan niya ito ng mabilisang halik.
Kraven POV.
Nakatayo lang ako sa may pinto. hinintay kung mawala na sa paningin ko si Vera bago ako pumasok sa loob.
Nakaupo lang ako kasi tapos na kahapon ang semenar na dinaluhan ko dito sa Davao. Napapaisip ako kung anong trabaho ng dalaga at bakit misteryoso ang kanyang personality. alam mo yong kilos mayaman ma kilos handang pumatay pag inagrabyado ito. masisiraan ata siya ng bait sa kakaisip sa dalaga, pagdating niya talaga sa manila ay siya mismo ang pupunta sa kumpanya ng kaibigan niyang si Nigel, siya mismo ang mag aabot ng litrato ng dalaga. gusto niya kasi mapabilis ang pag iimbistiga tungkol sa dalaga kaya kung kinakailangan na siya mismo ang mangungulit sa kaibigan ay gagawin niya kahit pa magalit ito sa kanya. wala siyang pakialam at magbabayad naman siya kahit pa triple sa saktong bayad basta mapadali lang ang gusto niya.
Ang kaibigan niya kasi ang may ari ng Angel's Detective Agency. at lahat ng mga tauhan nito ay magagaling sa paghahanap, pag spy at pagdakip ng mga salot sa lipunan. dati kasing NBI agent ang parehong mga magulang ni Nigel kaya dito namana ng kanyang kaibigan ang pagkahilig sa paglutas ng mga kaso na hindi kayang lutasin ng mga pulis. sa kanila ipinapasa kaya sikat na sikat ang kumpanya nito. at hindi din ito nagha-hire ng hindi magagaling babae ka man o lalaki basta may nakita itong kakayahan at potential sa isang tao ay ito na mismo ang lalapit at gagaaa ng paraan kung paano nito maipasok at mapa-oo sa iaalok nitong trabaho.
Delikado ang pinasok nitong career at business pero sino naman siya para pigilan ito, at lahat naman silang limang magkakaibigan ay may kaakibat na delikado ang piniling mga career kaya imbis na magsisihan ay tinutulungan nilang umangat ang bawat isa, dapat walang maiiwan sa ibaba, dapat sabay sabay silang lima na aangat kasi ang goal nila ay makamit at magtagumpay ng sabay sa larangan na kanilang pinili. Hindi man sila laging nagkikita dahil na din lahat sila ay mga abala na ay hindi naman nila nakakalimutan na mag kumustahan at kung may problema ang isa sa kanila ay magtutulungan silang lutasin ito, at kahit sa pag ibig pa yan ay nakahanda silang kumidnap para lang matulungan ang kaibigan. napapangiti nalang ako habang naiisip ko kung paano kaming magkakaibigan nagsimula at magtagumpay sa mga negosyong ipinundar namin. Sana pag dumating yong pagkakataon na lahat kami magkakapamilya na ay ganoon rin sana ang turingan ng magiging mga anak namin. naka plano na rin ang mga titirahan naming Lima pag nagkaroon na kami ng sari-sariling pamilya at sa iisang compound lang kami titira. sinadya namin bilhin ang lupang iyon para sa pamilyang bubuoin namin at iisa lang din ang magiging desenyo at structure ng bahay namin. may sarili kaming architect at engineer sa grupo at silang dalawa na ang bahala sa designs at kami naman sa pera. ganoon lang at lahat ng iyon ay naihanda na.