Axel pov Parang mga punyal na may lason ang bumabaon sa aking puso. Sobrang nasaktan ako ng halikan si Sanjela ng ibang lalaki. Gusto ko siyang sugurin at sapakin dahil legal na asawa naman ako ni Sanjela. Pero hindi ko magawa dahil baka magalit siya sa akin. Ang hirap ng kondisyon ni Sanjela pero nakikipag deal parin ako. Umuwi ako ng Pilipinas na bigo. Inumpisahan kung hanapin ang mga anak ko. Ako mismo ang nangunguna sa imbistigasyon. Lahat ng mga video footage sa bahay namin na review ko na lahat. Bumalik lahat ng sakit na aking naramdaman ng muli kong tingnan ang mga footage. Hindi ko rin alam kung saan nila nilibing ang mga bangkay ng magulang ni Sanjela. Sana sa pamamagitan man lang ng paharap sa kanilang libingan makahingi man lang ako ng kapatawaran. Paano nagawang linisin ng a

