Oh God! Ano na naman ang ginawa ko? Ahhhhhhh bwesit na utak ang meron ka Axel. Tama ba ang narinig ko? Nabuntis ko si Sanjela bago ako ma-comatose? My God, bakit sobra naman yata ang mga pagsubok na binigay mo sa akin panginoon. Nahihirapan si Sanjela nang wala ako sa kanyang tabi. Bakit ganito nalang palagi ang kapalaran naming dalawa. Palagi ko nalang siyang nasasaktan sa mga pangyayari. Kailangan kong umuwi ng Pilipinas sa lalong madaling panahon. Back to zero na naman ang gusot na kailangan kong ayusin. Kung kailangan kong muling itaya ang aking buhay para sa babaeng pinakamamahal ko gagawin ko. For the last time, ayoko nang macomatose na pagkatapos ay hindi ko siya makilala. Sa huling baraha ko panginoon, huwag mo nang ibalik ang aking buhay kong pahihirapan man o hindi maging akin s

