“It's your turn to fly back to Mindanao Ate Sanje. Kailangan mo nang umpisahan ang iyong campaign. Nakahanda na ang iyong mga stickers, banners, tarpaulin, bookmarks at etc. Jazz and Delta will assist you and I will be there too after a few weeks,”sabi ni Clea. Sigurado na ba talaga kayo na ako ang isasalang ninyo sa politika? Hindi basta-basta isang position din iyon, pakatandaan ninyo Gobyernadora ang posisyon na inatas ninyo sa akin. Okay na sana ako eh handa ko ng kalimutan ang lahat dahil nahanap ko na ang mga anak ko at ang mga magulang ko ay ligtas sila. Kaligtasan lang naman nila ang importante sa akin ngayon. “Sanjela, hindi sa naniningil ako ng utang sa lahat ng mga ginawa ko para sa'yo. Pero bilang isang ate o kaibigan hindi mo ba ako bibigyan ng hustisya laban sa mga walanghi

