Toronto Canada Kasal ng kaibigan namin na si Afzalian Della Torres sa asawa nitong si Clearose Humpress na best friend naman ng astig na kapatid ni Afzal na si Afsheen. Parang na excited akong pumunta dito sa Canada sa kakababad ko sa aking trabaho wala na akong panahon magbakasyon. Kapag may mga importanting kaganapan lang ang tropa saka ako naglalaan ng oras. Kagaya kahapon pinakaunang wedding celebration ng aming kaibigan. Hindi pweding palalampasin ang kaganapan na ito. Mababawasan ang ipon dahil hindi naman pwedi na wala kaming regalo sa bagong kasal. We salute to Afsheen, dahil talagang tinupad niya ang pangako niya sa kanyang kapatid na ibabalik ng times five and motorbikes na kinuha niya. Akalain mo ba naman na determinado si Afsheen sa kanyang mga binibitiwan na salita. Napaka

