Nanatili ng dalawang linggo ang mag-asawa sa EPI kasama ang kanilang mga anak at dalawang yaya. Masayang ginugol ang mga araw nila sa buong isla. Natuto ng magmaneho ng jet ski ang triplets at pati surfing ay kinarer na rin ng tatlo. Wala namang dapat ikabahala dahil may nagbabantay naman sa kanila. Pero hindi parin kampante si Axel, kapag nasa dagat ang mga anak naroon rin siya para pagmasdan ang mga ito. Nakuha naman ni Sanjela kung bakit naging protektado ang asawa. Ayaw lang nito na may masamang mangyari sa mga anak. Kaya kapag tapos na si Sanjela sa pag-asikaso sa kambal o tapos ng magluto sinasamahan niya ang asawa. Nangkukwentuhan habang nakatanaw sa mga anak na nag-e-enjoy sa kanilang ginagawa. "Ang sarap sa pakiramdam na kompleto na tayo mhie. Sana hindi na tayo susubokin pa ng t

