Axel pov Binuksan ko kaagad ang files na ibinigay ni Queen sa akin. Naging blanko ang utak ko sa kanyang sinabi. Nag-aalinlangan pa ako sa pagbukas dahil sa pangamba kung ano ang matutuklasan ko. Rinig ko na ang tambol ng aking puso sa sobrang kaba na aking nadarama. Birth Certificate ni kuya Arex ang aking nakita. Richmond Arex Santos Galanza son of Claudio Arenas Galanza and Richelle Tecson Santos. Kasunod ay ang birthday certificate ko. Richmond Axel Santos Galanza son of Claudio Arenas Galanza and Richelle Tecson Santos. Paano nangyari ang lahat ng ito? Paano kami naging Galanza? “Sa pag-aakalang hindi na magkakaanak ang mag-asawang Santos. Nag-ampon sila ng isang batang lalaki na nasa edad palang ng isang buwan noon. Namatay ang ina sa panganganak kaya naiwan ang premature na bata

