“Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi ka ba napapagod at babyahe pa tayo? My goodness dhie madaling araw na. Kung uuwi tayo ng Mindanao ay dapat naka domestic flight nalang tayo para makapagpahinga naman sa byahe. Ikaw pa talaga ang magmamaneho nitong helicopter. Baka may masamang mangyayari na naman sa atin sa kalagitnaan ng byahe,”panay reklamo ni Sanjela habang nakatayo sa gilid ng helicopter ni Axel na nasa rooftop lang ng bahay nila. Chini-check pa kasi ni Axel kung okay pa ba ang fuel ng chopper. Kailangan niyang siguradohin ang kaligtasan nila bago bumyahe patungo sa Engineer's Paradise Island. Ito ang surprisang matagal ng naghihintay para sa mahal na reyna ng tahanan na siyang iilaw at tatanglaw sa buong kabahayan. Alam na ng tropa ang kanyang plano kaya hinayaan na silang bumyahe.

