Oceane Napalingon ako sa nagsalita. Isang magandang babae ang nasa harapan ko. Nakita ko na kung saan ang mukha niya ngunit hindi ko maalala kung saan. Pamilyar ang mukha niya. "May kailangan po kayo?" tanong ko Ngumiti ang babae. "Maari ba akong maupo?" "S-sige po" sabi ko naman Naupo siya sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa kagandahan niya. "May isang bagay sa’yo na naapainteresado sa akin." sabi niya "Ha?" maang na reaksyon ko naman Ngumiti siya sa akin. "Ako nga pala ang Headmistress Alyora." Nanlaki ang mata ko, kaya pala pamilyar ang mukha niya, siya ang larawan sa ink na binili sa Night Market noon. "S-sorry po hindi ko kayo nakilala. Ngayon ko lang po kasi kayo nakita at nakausap ng personal.” sabi ko naman Natawa ito. "Maupo ka hija.." Naupo naman ako. Umiwas ako ng ting

