Zaiden TAMBAY ako dito sa silid ko. Wala pa ring malay si Oceane hanggang ngayon. Pinagbawalan pa akong lapitan siya. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin. "Hi Zaiden..." pumasok sa bintana si Altheia. Lumipad ito papalapit sa kama ko. "Can I ask you a favor? " tanong ko "Sige kahit ano, basta kaya ko.." sabi naman niya Tinitigan ko muna siya, saka ako muling nagsalita. "Gusto kong alamin mo kung ano na ang kalagayan ni Oceane." Nakita ko sa maliit niyang mga mata ang pagtataka. Hindi pa niya talaga alam ang nangyari kagabi. "May nangyari kagabi, at hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Pinagbawalan akong lapitan siya o kausapin. Kaya I'm begging you, please Altheia, alamin mo naman ang kalagayan ni Oceane sa infirmary." sabi ko "Ok sige, pupuntahan ko siya sa infirm

