T/W: Drvgs It was rainy night in Italy ng makauwi ako sa bahay nila Tiyang Adela. Ang dami kong tinapos na trabaho, ayoko namang dalhin iyon sa Pilipinas. I was assigned by the senior architect to supervise the construction of our project in the Philippines. Naunang umuwi sa Pilipinas si Francis samantalang ako ay susunod na araw pa. Tatlong buwan ang assignment period ko sa Pilipinas. Isasama ko na rin si Luna dahil pagkakataon na rin iyon para makilala niya yung mga kapatid ko. Namili na rin ako noong nakaraan ng pasalubong para sa kanila. Sakto rin naman ang uwi ko sa Pilipinas dahil ikakasal na si Vida. "Anna! Mabuti at nandito ka na." Humahangos na sabi ni Tiyang Adela. Kumunot ang noo ko sa itsura niya. Para siyang kinakabahan na hindi ko maintindihan. Nasa doorstep pa lang kasi

