"So ano, malapit ka na mag 5th year, baks. Gagradute ka na di ba?" tanong ni Lena. Magkasama kami ngayon ni Vida habang naka video call si Lena. Weekend ng December ngayon, sa susunod na taon ay 5th year na ako sa Archi samantalang silang dalawa ay magtatapos na ng College sa susunod na taon. "Oo naman. Kayo gagraduate ba?" pang-aasar ko. "Aba'y oo naman. Future CEO ata ang kaibigan mo at isang future Lawyer." pagyayabang ni Vida. Proud na proud talaga siya sa naabot naming tatlo. Ngumiti na lang ako sa kanila bilang sagot. Abala pa rin kasi ako sa inaaral ko. "Bakit future Archi naman ang kaibigan natin ah? Inspired kasi." pang-aasar ni Vida. "Sana all strong pa rin. Kumusta kayo ni Bebe?" Usisa ni Lena. Pasimple akong ngumiti sa kanila. Mag aapat na taon na rin kaming magkasint

