"Tulala lang sa 'king kuwarto at nagmumuni-muni..." Inangat ko ang tingin ko kina Vida at Lena na nasa harapan ko. Nakangisi silang dalawa habang nakatingin sa akin. "Ano ba? Kanina pa kami chika nang chika dito. Hindi mo kami pinapansin." reklamo ni Lena. Umupo sila sa harapan ng table ko. Breaktime naming tatlo at nagdesisyon ako na dito sa office magpahinga. Isa pa iniintay ko ang tawag ni Uno. Hanggang ngayon para pa rin akong nasa alapaap kapag naaalala ko siya. Huwebes na at hanggang tawag at text lang ang nagagawa naming dalawa. Wala kasi akong modernong cellphone kaya hindi kami makapag-usap sa video. "Ilang araw nang lutang yan. Sabi naman kasi sa'yo sagutin mo na para hindi ka ganyan--" "Sinagot ko na." "Ha?" sabay na sigaw ng dalawa sa akin. "Sinagot mo na si Lucas Con

