PART 2

1134 Words
***MANET*** "Kilala mo ba siya, hon? Who is she?” tanong ni Manet sa kanyang asawa. May nilingon kasi ito at sinundan niya ng tingin. Nagtaka siya dahil babae iyon at hindi pamilyar sa kanya. Natawa si Randy sabay iling. "Hindi ko siya kilala, hon.” “Eh, bakit ka tumingin sa kanya?” “Pinagkamalan niya kasi ako na ako 'yong katagpo niya. Uso pa pala ngayon ang eyeball?" "Talaga lang, hah? Baka naman iba na 'yan? Ayokong makasabunot ng kapwa ko babae, hon, kaya umayos ka. Kahit buntis ako ay kaya ko pa rin manapak," pabirong babala niya sa asawa. Hindi niya iyon magagawa dahil hindi siya bayolenteng tao. Natawa ulit si Randy. "Ano ka ba, hon? Huwag kang mag-iisip ng mga ganyang bagay dahil kung gusto kong gumawa ng kasalanan, eh, dapat noon pa. 'Tsaka mas hindi ko na magagawa 'yon ngayon dahil may baby na tayo. Alam mong mahal na mahal ko kayo ng magiging anak natin." Nakuntento naman si Manet sa mga binitawang mga salita ng kanyang asawa. Taimtim na ipinagdasal na lamang niya sa Diyos na sana nga maging totoo ito sa mga sinabi hanggang sa huli sapagkat masaya silang mag-asawa ngayon. Kuntento na siya kay Randy. Wala na siyang mahihiling pa lalo na ngayon na mabubuo na ang kanilang pamilya sa nalalapit na pagdating ng kanilang anak. Nasa five months na ang kanyang tiyan kaya naman nagkayayaan sila kanina ng asawa na mamasyal sa mall. Kumain sila sa restaurant na paborito nila noon pang magkasintahan sila. Nanood din sila ng sine at namili na ng mga konting gamit ng kanilang baby. Selebrasyon na rin kasi nila ang araw na iyon na umabot na sa ganoong buwan ang anak nila sa kanyang sinapupunan. Minsan na silang nalaglagan ng anak kaya may naging takot sila na maulit muli. Hindi na nila kakayanin kung mawalan pa sila ng isa pa, kaya naman naginhawaan na silang mag-asawa kahit paano dahil lumaki na talaga ang kanyang tiyan. Hindi tulad sa first baby nila na two months pa lang noon sa tiyan niya ay nawala na. Nagising na lang siya noon isang araw na dinudugo siya. Isinugod siya sa ospital pero hindi pa rin nailigtas ang kanyang anak. Ni hindi niya nakitang bumukol ang kanyang tiyan noon. “Are you still mad?” nag-alalang tanong sa kanya ni Randy nang hindi siya naimik. Pauwi na sila. “Hindi naman ako galit. I just don't understand myself,” aniya. Inabot ni Randy ang kanyang kamay. Masuyong ginagap. “Bakit? What do you feel? May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod na iling ang kanyang ginawa. “Wala naman.” “Eh, anong problema?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. Basta hindi ako mapakali.” Mabuti na lamang at naalo siya ni Randy kun'di ay nasira na sana ang masaya nilang araw. Inisip na lamang nila na baka gano’n talaga ang buntis. Bigla-bigla ay nag-iiba ang kanilang mood at pakiramdam. "Cheer up, hon. Huwag kang nag-o-overthink at baka makasama kay baby." Ibinitaw ni Randy ang isang kamay sa kanyang kamay. Inihaplos naman sa kanyang tiyan. Napangiti siya. Kapag ganoon na ipinapakita ni Randy na mahal na mahal nito ang kanilang anak ay nawawala lahat ng ano mang nararamdaman niya. Pagdating nila sa bahay ay naging masaya ulit sila. Biruan silang mag-asawa na pumasok. Kinikiliti siya ni Randy sa tagiliran na kanya namang sinasaway habang tumatawa. "Thank you, hon, for this awesome day. You made me happy," pasalamat ni Manet sa asawa saka masuyong hinalikan ito sa labi. Sobrang busy si Randy sa pamamahala sa Daseco Shipping Philippines na negosyo ng ama nito, pero nagawa pa rin nitong ipasyal siya. She felt so special. "I love you, hon," Randy said, dragging his wife into his arms then lean down and kissed her with tenderness. Iyon naman ang ipinagpapasalamat ni Randy sa Diyos. Ang kahit na dalawang taon na silang mag-asawa ni Manet ay sabik na sabik pa rin sila sa isa't isa, na para ba'y hindi sila nagsasawa sa mga labi nila. "I love you more, hon," Manet moaned with pleasure. Their kiss was unstoppable again. Hindi na maiwasang hindi mag-init ni Randy. He's now aware of the fullness in his groin. Sumikip ang kanyang underwear. Gusto na agad magwala ang kanyang p*********i. Gusto nang pumasok sa kaloob-looban ng kanyang asawa. As their kisses started to deep, Manet moaned again. She circled her arms of his neck, pulling him closer. Dahilan para dumiin at naging maalab pa ang kanilang halikan. "Manet," Randy groaned in that, a lustful groan. Tila ba'y naging asong ulol na gutom na gutom. Kahit si Manet ay naging mapusok na. Pinantayan niya ang pagromansa sa kanya ng asawa. Nag-espadahan ang kanilang mga dila. Dumiin ang yakap nila sa isa't isa. Subalit nang ipapahiga na sana siya ni Randy sa sofa ay itinulak na niya ito. "Opps, hindi pwede kay baby. Bawal," tapos ay pilyang sabi niya. Iniling-iling niya ang ulo at hintuturo na nang-aasar. Mula nagbuntis siya ay ipinagbawal na niyang magpagalaw. Naniniwala kasi siya na masama raw ang s*x kapag lumaki na ang kanyang tiyan at baka makunan siya ulit. Payo rin iyon ng mga kamag-anak niya na wala muna sanang s*x hangga't hindi sila sure na makapit ang baby nila or mas mainam ay hangga't hindi pa lumalabas ang baby nila. Magtiis muna raw sila hangga’t kaya nila. “Aisst!” ungol ni Randy kahit na wala itong reklamo. Kahit na wala namang sinabi ang OB na bawal talaga iyon ay inuunawa nito ang asawa. Naisip rin kasi nito na kapakanan naman iyon ng kanilang anak at walang mawawala if susunod sila sa sabi-sabi o paniniwala ng mga matatanda. Para magkaanak na sila, handang magtiis si Randy. Ano naman ang siyam na buwan na hihintayin nila? Kaso ang hirap lang. Minsan nahihirapan din si Randy. Aaminin nito, hindi na sapat minsan ang pagsasarili nito. Masakit sa puson. Mainit sa pakiramdam at ulo kapag hindi ito nakukutento sa pag-release ng nararamdamang l*bog. "Sorry, hon. Nauunawaan mo naman ako, ‘di ba?" panunuyo ni Manet sa asawa. Napabuntong-hininga si Randy at pilit na ngumiti sa kanya. Pagkuwa'y tumayo. "Where are you going?" tanong niyang napasunod ng tingin dito. "Maliligo. Ang init, eh," pabirong sagot ni Randy. Nagpapatawang ipinaypay sa sarili ang mga kamay. Napahagikgik siya na sa huli ay naging tawa. Kawawang asawa niya. Napapangiti na lang si Randy. Hindi bale, konting pagtitiis lang naman. Makalabas lang ang baby nila ay kahit gabi-gabi o oras-oras na ulit itong magpapakasasa sa katawan ng asawa. Isa pa'y alam nito na kahit si Manet ay nahihirapan din sa sitwasyon nila. Patas lang sila. “Ooh, sh*t!" saglit lang ay nasarapang ungol ni Randy nang labasan na ito ng katas gamit lamang ang sariling mga kamay. Minsan ay nakatutulong din naman ang masturb*ting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD