Chapter 4: Unexpected

1204 Words
Mabilis kong tinugo ang banyo para maligo, di ko na kasi napansin ang oras kasi hanggang ngayong umaga ay iniisip ko pa din kung bakit parang may kakaiba akong pakiramdam sa bahay nila Christian. Umaagos ang tubig sa mukha ko pero ang isip ko ay punong puno pa din katanungan na pilit ko na binubura. Nang gumayak na ako at handa ng bumaba narinig kong may kausap si nanay sa selpon. "Salamat po," narinig kong sinabi ni nanay na medyo naiiyak base sa boses nya. Nagtaka ako kung sino. Hinintay ko si nanay habang kumakain sa kusina. "Nay,narinig ko pong may kausap kayo,sino po iyon?" Tanong ko. Hindi naman sya makatingin sakin,pilit na iniiwas ang mga mata nya sa akin na nahahalata ko na may tinatago sya. "Ah wala yun anak, nanganga-musta lang si tita mo sa probinsya," sabi nya na halatang nagsisinungalin. Pero di ko na masyadong inusisa kasi mala-late na ako sa trabaho. Kaya nagpaalam na ako at nagtungo sa sakayan. Naglalakad ako papunta sa resto ay iniisip ko pa din kung sino kausap ni nanay. "Goodmorning Mrs. Cherry," bati ko habang nakita ko sya sa dinning area. "Oh Patrick goodmorning, oh tamang-tama,eto na ang uniform mo,magpalit kana huh," sabay abot sakin ng itim na polo shirt na may tatak ng restaurant. "Sige po mam," sagot ko na papuntang locker. "Oh by the way,ngayon nga pala may darating na galing sa Head office" pahabol na sabi ni mrs. Cherry hindi lang sa akin kundi sa aming lahat. Pagpunta ko sa locker room nakita ko si Christian. Mukhang mas maaliwalas ang mukha nya ngayon. "Oyy buddy,kamusta ka?" Pagbati ko sa kanya na hindi nya ako masyadong napansin dahil sa nakatuon ang mata nya sa selpon. "Oh buddy andyan kana pala," tugon nya sakin nang nakangiti. "Christian may darating daw na bisita na galing sa head office," tanong ko sa kanya habang naghuhubad ng damit para magpalit ng uniform. "Ah oo daw," maikling sagot nya habang abala pa din sa kung sino ang ktxt nya. At di nagtagal binulsa nya yung selpon nya at nagtungo ulit sa locker nya para kunin ang name pin nya at tinusok sa uniform nya. "Tara na," aya nya sa akin. "Sige sunod ako," sagot ko na nagmamadali. Muntik ko pang maiwan ang name pin ko. Parang hinihili naman ang oras at alas tres na nang hapon, habang pabalik kami ni Christian sa resto galing sa isang oras na break ay napansin namin na andun na ata ang bisita dahil sa kausap lahat ng staff ng resto ng isang lalaki na nakatalikod. Nasa entrance na kami ng resto ng pamansin kami ni Mrs.Cherry. "Mr. Baculfo,eto pa po ang dalawang staff natin," turo sa aming dalawa ni Christian. Lumapit naman kami sa nakatalikod na lalaki na naka royal blue na suit at talagang kagalang-galang. "Goodafternoon sir," sabay na bati namin ni Christian. Habang medyo naka yuko ako. "Anong ginagawa mo dito!" Narinig kong sinabi ng lalaki pagkaharap nya sakin habang nakayuko ako. "Ikaw!" Sigaw ko na nagabago agad ang masayang mukha ko. "Anong ginagawa mo dito sa restaurant ko?" Tanong nya. Halos di ko alam ang isasagot ko. Nanlalamig ang buong katawan ko. Nararamdaman ko na nanginginig ang tuhod at pinapawisan ako ng malapot. Bumalik kasi sa isip ko ang kahihiyan na ginawa ko sa taong magiging boss ko pala. Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso at napansin ko ang mga kasamahan namin lalo na si Christian ay nagtataka. "Ah sir,sorry nung last time, nagkamali po ako," paghingi ko ng tawad at humihiling sa lupa na hilahin ako dahil sa sobrang hiya. Tumingin sya sakin ng halos mag-magabot na ang mga kilay sa sobrang inis nya sakin. "Ayokong may staff dito na eskandaloso kaya Mrs. Cherry tanggalin nyo to," sabi nya na talagang titig na titig ang mata nya na nag-aapoy sa inis. "Ah sir,wag naman po, kailangan ko po itong trabaho na ito," pagmamakaawa ko na nang gigilid na ang likido sa mga mata ko. Hindi na nya ako sinagot at nagtungo sa Executive room na sinundan naman ni Mrs. Cherry na halatang naguguluhan sa nangyari. Nakatulala lang ako habang prinoproseso sa isip ko ang lahat ng nangyari. "Okey ka lang?" Tanong ni Christian. "Hindi ko alam na siya pala ang may-ari ng resto," paliwanag ko. "Bakit ano ba nangyari?" Tanong ni Christian habang papunta kaming locker room. Hindi ko na nasagot dahil dumaloy na ung kanina pa nagbabandyang tumulo. Dumaloy na ng dumaloy habang iniisip kung paano na yung pag-aaral ng kapatid ko at si nanay. Inakap lang ako ni Christian," kakausapin ko si sir Rex, kasi kilala nya ako dahil kapag nagpupunta sya dito..ako ang isa sa nag aasikaso sa kanya. Sasabihin ko na kailangan mo ang trabahong ito." "Wag na buddy, hindi na magbabago yung isip nya dahil sa kahihiyan na ginagawa ko sa kanya," pagbawal ko na patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko. "Napagbintangan ko kasi si sir sa isang bookstore na magnanakaw na sya ang kumuha ng wallet ko," kwento ko kay Christian. Hinimas lang ni Christian ang likod ko."okey lang yun baka naman maintidihan ni sir Rex ang ginawa mo." Halos wala ng iba akong nararamdaman kundi nagsisisi at umiyak ng umiyak kasi sa hirap maghanap ng trabaho ngayon mabuti nga sa pang-apat na pag-apply ko ay nakapasok ako dito pero hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Mas minabuti ko munang mapag-isa kaya tinahak ko ang c.r. at nagkulong ako sa isang cubicle doon. Pinatulo ko ang gripo para di marinig yung paghikbi ko ng mga sandaling iyon. Sa ilang minutong tanging ang patak lang ng tubig ang maririnig ay biglang tumunog ang selpon ko. At nakita ko na si ate Cecile na kapitbahay namin ang tumatawag. "Hello,ate Cecile," sagot ko sa selpon habang nagtataka at piniligilan ang paghikbi ko. "Si nanay mo Patrick.....," sabi nya sa kabilang linya. Nang marinig ko yun para akong binuhusan ng isang timbang punong-puno ng yelo. "Ate anong nangyari?" Umiiyak na tanong ko kay ate cecile. "Sinugod si nanay mo sa ospital," sabi ni ate cecile na halos di ko na maunawaan kasi sa kaba at iyak. Hindi ko alam gagawin ko. Mabilis kong pinatay ang gripo at mabilis na lumabas sa c.r. At sa pagmamadali ko nabangga ko si Christian at kinumusta nya ako sa nangyari samin ni sir Rex. Nasabi ko nalang na,"buddy si mama nasa ospital." Dali-dali akong nagpaalam kay Mrs.Cherry at pumayag naman sya. At dahil andun si sir Rex ay nagpaalam na din ako tungkol sa kagustuhan nyang mapaalis ako na hindi ko mapigil ang maging emotional. Pinapakalma lang ako ni Mrs. Cherry at napansin ko na walang imik si Rex habang binabasa ang mga report papers. Lalabas na sana ako nang biglang nagsalita si Rex. "Patrick right?" Sarkastikong tanong nya. Humarap ako sa kanya. At unti-unti siyang tumayo at tinungo kung saan ako nakatayo habang si Mrs. Cherry ay pinagmamasdan lang nya lahat nangyayari. Nang matanto ko na kaharap ko na ang lalaking nagpaalis sakin sa trabaho ay halos sumabog ang dibdib ko. Nakita ko sa mukha nya ang seryosong mukha na hindi ko pa nakikita, yung mukhang di mo mababasa. Habang nakatitig sya sakin ay unti-unti nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD