CHAPTER 24 --------------- YANZ POV --------------- Ilang beses kong sinipat ang allergy ko sa mata. Nung tingin ko ay okay naman na ito ay hindi ko na sinuot yung eyepatch. Dala ang bag pack ko na laman ang mga bath toiletries ko ay nag tungo agad ako sa club house na may kalayuan pala. Sa map lang pala malapit ang pucha! Hay nako, sorry naman at di ko napigilan ang mapa mura. Sige lakad lang ako. Maliwanag naman ang paligid dahil sa mga ilaw na nakasabit sa mga poste na nasa daanan. Pero grabe talaga ang ginaw! Lalo sa tapat ng building na nire-renovate. Naakap ko nga ang sarili ko eh, buti at naka hoodie jacket ako. Pag dating ko sa club house ay ilang tao lang ang nakita ko. Malamang ay mga utility palang na taga maintain ng kalinisan ang mga iyon. Bumati pa nga yung isa ng "g

