CHAPTER 19 --------------- YANZ POV --------------- "Iyan-kun! Salamat naman at nakita kita!" Hinihingal hingal pa na sabi ni Hide. Mukha ngang tumakbo sya sa itsura nyang pawisan na ay hirap pang magsalita. "Nii-san?" Nagtatakang tanong ko. "Emergency!" "Emergency? Bakit?!" Kinabahan tuloy ako sa sasabihin nya. "Ikaw ba yung nakatira sa isa sa twin room ng 3rd floor ng ace dorm?" Verify nya na habol pa rin ang hininga. Napakapit pa nga sya sa akin. "Oo, ano bang problema?" "Bumalik ka na don ngayon. Kasi narinig ko na pinapahakot ni Rollo paalis ang lahat ng gamit mo dahil kanya ang kwartong yon!" Babala nya sa akin. "Ha? Ano?!" Gulat na gulat talaga ako. Kahit sa hinagap ay hindi ko ine-expect na magiging problema ko pati ang kwarto. Syempre tulad ng sabi ni Hide ay agad akon

