Chapter 13

1357 Words
Nang matapos ako na maligo ay busy parin si Luke sa kanyang Laptop. "Anong gusto mong kainin Baby ko?" Tanong ko kay Luke. "Bukod sayo? Wala na." Wala sa sariling sagot niya. "Luke!" Gulat na sabi ko. "What? Totoo yun baby ko." Ngiting sabi niya. "Pagkain ang sinasabi ko!" Namumulang sabi ko. "I know, I'm just teasing you." Natatawang sabi ni Luke. "Pero totoo yung sinabi ko na yun. Masyado mo kong binabaliw sayo." Seryosong sabi niya. "Luke naman eh!" Nag mamaktol na sabi ko. "Oo na hindi na. Tara na sa labas. Kumain na tayo. Sabi niya na inakbayan ako. Nang makalabas kami ng villa ay agad kaming nag tungo sa kubo. Naroon na sina nana Carmen at tata Caloy na nag hahanda ng aming makakain. "Naku ma'am, sir andiyan na po pala kayo tamang tama po at nakapag hain na po kami." Sabi ni nana Carmen. "Thank you nana Carmen. Tara na po at sabayan niyo na po kami." Sabi ko. "Naku ma'am mauna na po kayo." Sagot ni nana. "Naku manang ayan na naman po kayo. Umupo na po kayo para maka kain na po tayo." Sabi ko. Sumunod naman ang dalawang matanda na hiyang hiya. "Nana nasaan po si Camile?" Tanong ko. "Naku ma'am kilala niyo naman po ang batang yun. Abala na naman po yun doon sa manggahan." Sabi ni Nana. "Marami na po bang bunga ang mga mangga nana?" Tanong ko. "Naku iha marami na. Maaari na tayong mag ani sa mga susunod na araw." Sabi ni Tata. "Talaga po ba? Naku maraming salamat po tata ah." Sabi ko na tuwang tuwa. "Thank you." Gulat na sabi ko nang makita ko ang plato ko na puno na ng binalatang hipon at hinimay na alimango. "Welcome. Kumain ka na muna." Sabi ni Luke. Habang kumakain kami kasabay nina nana at tata ay dumating si Camile na may bitbit na mga mangga. "Ate Alex...." Sigaw ni Camile na tumakbo papunta sa akin. "Camile, tara na sumabay ka na sa amin na kumain." Ngiting sabi ko. "Tapos na po ako ate. May dala ako na mangga para sayo." Sabi ni Camile na itinaas ang bitbit niyang mangga. "Oyyyy. Hala ate sino siya? Boyfriend mo?" Manghang tanong ni Camile. "Boss ko." Maikling sabi ko na ikinakunot ng nuo ni Luke. "Ah. Single ba siya ate?" Tanong na naman ni Camile. "Hindi ko alam. Bakit? Type mo?" Tanong ko. "Medyo ate." Kinikilig na sabi ni Camile. "Naku! Camile! Magtigil ka nga!" Sabi ni nana. "Naku, Camile di ka type ng boss ko." Kung naging lalaki ka pa siguro may chance ka pa." Natatawang sabi ko. "Ay hala totoo ba ate? Gosh hindi halata." Tiling sabi ni Camile. "Hi, po totoo po ba na boy din ang mga type mo? Gosh may boyfriend po ba kayo?" Tanong ni Camile kay Luke. "Camile! Ikaw na bata ka talaga!" Iritang sabi ni Nana. "Ang KJ mo talaga nana! Maka ligo na nga lang muna." Pag mamaktol ni Camile.. "Sige po sir ate Alex uwi muna ako. Yung mangga ate para sayo yan." Sabi niya na tinanguan ko. Nang matapos kami na kumain ay pumasok na kaming muli ni Luke sa villa. "OMG! Sabi ni Luke. " Why?" Takang tanong ko. "May stain ka ng blood sa likod." Sabi niya. "Gosh! Dinatnan na ako." Tarantang sabi ko na nagtungo sa banyo. Nang matapos ako na magpalit ng suot na damit ay inabutan ko si Luke na nakaharap na naman sa kanyang laptop. "Ano na namang ginagawa mo baby?" Tanong ko. "Paper works lang baby. Pag tapos ko dito aalis na tayo." Ngiting sabi niya na tinanguan ko. Naupo lang ako sa gilid ng aking kama at nag laro lang sa aking phone. Nang matapos si Luke ay pinatay na niya ang kanyang laptop at isinilid sa kanyang bag. "Tara na baby?" Tanong niya na tumabi na sa akin. Tumayo na ako at kukunin na sana ang maleta ko ng hilahin niya ako at napaupo ako sa kandungan niya. "Pacharge muna baby." Sabi niya na niyakap ako ng mahigpit. "Ano ba yung ginawa mo?" Tanong ko. "Mag iiwanan kong trabaho at saka resignation letter ko na din." Sabi niya. "Kailangan ko na din ba na mag send ng resignation letter?" Tanong ko. "No need na baby. Nasend ko na din sa kanila yung resignation letter mo." Sabi niya na hinalikan ako. "OMG! Talaga ba?" Gulat na tanong ko na tinanguan niya. "I told you baby, once na sinabi mo na sasama ka ako na ang bahala sa lahat." Ngiting sabi niya. "Tara na baby." Sabi niya pa na tumayo na at kinuha ang maleta ko. Nang makalabas kami sa villa ay nag drive na si Luke patungo sa bahay nina nana at tata. "Tata Caloy. Aalis na po kami. Kayo na po ang bahala dito." Ngiting sabi ko kay tata. "Sige po ma'am. Mag ingat po kayo." Sabi naman niya. Nang makapag paalam na kami ay agad ng nag maneho si Luke patungo sa bayan. Tahimik lang kami sa byahe. "Dito ba tayo tutuloy?" Tanong ko ng huminto kami sa isang malaking building ng bayan. "Nope. Tara na baby." Sabi lang ni Luke na bumaba na at kinuha ang maleta ko at bag niya. "Gosh saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Surprise nga baby diba?" Sabi niya na bigla akong hinalikan. "Luke baka may makakita sa atin!" Gulat na sabi ko. "No worries baby akin ang buong building na to." Ngiting sabi niya. "Woah!" Gulat na sabi ko. Nag lakad kami hanggang sa makarating kami sa elevator at pinindot niya ito sa pika taas na floor ng building. "OMG! Sabi ko ng makita ang helicopter. "Diyan tayo sasakay papunta sa pupuntahan natin." Sabi niya. Inalalayan ako ni Luke na makasakay sa helicopter. Nang makasakay kami ay agad na sinabi ni luke na umalis na. "Wow ang ganda." Manghang sabi ko. "Mas maganda ka." Sabi ni Luke na naka titig sa akin. "Napaka mo talaga." Namumulang sabi ko. "Aminin mo kinikilig ka." Pang aasar niya. Ilang minuto lang ay bumaba na ang helicopter. "We are here na baby." Sabi niya. "Asan tayo? Anong Lugar to?" Tanong ko. "Andito tayo ngayon sa aking private resort. Nasa mindoro tayo baby." Ngiting sabi niya. "Wow! Sana all may private resort!" Natatawang sabi ko. "Sayo naman to baby." Seryosong sabi niya. "OMG! Gulat na sabi konng makita ko ang signage ng resort. "Villa Margarette, is yours baby." Sabi niya. "OMG!" Ang tanging nasabi ko. Nang maka alis ang helicopter ay hinila na ako ni Luke papasok sa resort bitbit ang aming mga dalang gamit. "Walang ibang bahay dito?" Takang tanong. "Yeah. This whole island is mine or let me say yours baby." Ngiting sabi niya. "Gosh! Sabi ko lang. Nang makapasok kami sa villa ay napaka ganda nito. "Gutom ka na ba?" Tanong niya na tinanguan ko. Inayos lang ni Luke ang aming mga gamit at saka siya nag luto. "One week tayong ganito lang baby." Ngiting sabi niya. "Pag sisilbihan kita araw araw." Sabi niya pa na hinalikan ako sa noo at pinaupo na para kumain. Masaya kaming kumain ng meryenda ni Luke tapos ay namasyal kami sa labas at nagpunta sa tabing dagat. Kinagabihan ay nag luto uli siya ng aming dinner at magkatabi kaming natulog nang magka yakap. Kina umagahan ay maaga kaming nagising at kumain ng almusal at namasyal muli at namili ng ilang mga damit sa pamilihang bayan sa labas ng resort. Ganun ang aming ginagawa sa loob ng apat na araw na pamamalagi namin doon. "Gusto mo bang buksan ang phone mo?" Tanong ni Luke. "Bakit?" Takang Tanong ko. "Baka nag aalala sayo ang parents mo." Seryosong sabi niya. "Nakapag paalam ako kay dad. Sabi ko na cancel na ang engagement namin ni Larry at saka na ako mag eexplain pag balik ko na." Sabi ko na tinanguan niya. "three days na lang tayo dito baby. Babalik na tayo sa reyalidad." Malungkot na sabi ni Luke. "Baby nandito tayo para mag enjoy hindi ba? Sulitin naman natin." Sabi ko. Tumango lang si Luke at hinawakan na ang kamay ko at nag tungo na naman kami sa tabing dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD