Chapter 3

4740 Words
ALEX's POV Nang makarating kami ni Larry sa mall kung saan kami mag kikita ni Theo ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Sana di mo ako bitawan hanggang dulo." Seryosong sabi niya. "Tignan natin." Ngiting sabi ko. Nag libot muna kami sa mall at pumasok ako sa isang jewerly store. Nakita niyang nakatitig ako sa isang kuwintas na may pendant na snow flakes. "You like that?" Tanong niya. "No. Gusto ko lang titigan. Gusto ko kasi ng snow." Ngiting sabi ko. Nag titingin tingin lang ako sa store at kinausap ni Larry ang manager doon. "Baby, come here." Tawag sa akin ni Larry at agad naman akong lumapit. "Maganda ba ito?" Tanong niya na ipinakita sa akin ang couple ring. "Yeah. Ang ganda." Ngiting sabi ko. "Kukunin ko na ito." Biglang sabi ni Larry na inilabas ang card niya. "Amina ang kamay mo baby." Ngiting sabi niya. "Gosh, Larry. Ang mahal nito!" Gulat na sabi ko. "Mas mahal kita Alexandra Margarette." Ngiting sabi niya na isinuot sa akin ang isang singsing. "Excuse me po Mr. Ruiz. Baka po gusto niyong ipa-ingrave ang mga names niyo sa napurchase niyo na ring?" Ngiting sabi ng manager ng store. "Yeah, sure." Ngiting sabi ni Larry. Nag hintay pa kami sandali ni Larry nang mag chat si Theo. "Bii, dito na ako sa mall. Anong gusto mong kainin?" Chat ni Theo. "Sa wakas dumating ka rin! Naiinip na tong kasama ko!" Reply ko. "Gusto ko ng korean BBQ." Reply ko pa. "May kasama ka?!" Sige dun na lang tayo mag kita. Mag papareserve na ako. Sunod ka na lang doon okay?" Reply ni Theo. "Who's that baby?" Tanong ni Larry. "Si Theo. Nandito na daw siya." Ngiting sabi ko. "Oh, okay. Saan tayo magkikita?" Tanong niya. "Tinanong niya kasi ako kung saan ko gustong kumain. Tapos sinabi ko gusto ko ng korean BBQ. Dun na lang daw natin siya puntahan." Ngiting sabi ko. "Okay, baby. Okay naman na yung singsing natin. Sabihin mo OTW na tayo doon." Ngiting sabi ni Larry na tinanguan ko. Bago kami lumabas ay isinuot niya muna sa akin ang singsing na naka ingrave ang pangalan niya at saka hinawakan ang kamay ko palabas ng jewelry store. "Bii, dito na kami." Chat ko kay Theo ng makarating kami sa isang korean restaurant. Lumabas si Theo at pinuntahan kami sa reception. "Marga." Tawag ni Theo sa akin. Bumitaw ako sa pag kakahawak kay Larry at lumapit kay Theo upang yakapin siya. "I miss you bii." Sabi ko. "I miss you too." Sabi ni Theo. "ehem! Si Larry. "Oh, Theo. Si Larry nga pala, boy friend ko. Larry si Theo ang bestfriend ko." Pag papakilala ko sa kanila. "Theodor Valdez?" Gulat na sabi ni Larry. "Larry Harison Ruiz?" Gulat na sabi din ni Theo. "Hey, magka kilala kayo?" Takang tanong ko. "Pumunta na muna tayo sa table natin." Natatawang sabi ni Theo. Nag lakad na si Theo na sinundan namin ni Larry na magkahawak ng kamay. "So ano na? Magka kilala kayo?" Tanong ko ng maka upo na kami. "Yeah! Classmate ko si Larry sa isang subject ko noon." Sabi ni Theo. "Oh! Okay. Bakit di ko siya nakikita noon?" Takang sabi ko. "Ako hindi mo nakikita pero ikaw nakikita ko lagi. Araw araw." Sabi ni Larry na naka titig sa akin. "Hey! Seryoso ba?" Kunot noong tanong ko. "Totoong sinasabi niya. Kaya di yan nakakalapit sayo noon kasi ang alam niya boy friend mo ako." Natatawang sabi ni Theo. "Ako na munang kukuha ng pagkain natin. Darating din girlfriend ko eh." Sabi pa ni Theo. "Yey! Asan na si Alice?" Ngiting tanong ko. "Malapit na siya. Sige na mag kuwentuhan na muna kayo ng boy friend mo." Sabi ni Theo. "Seryoso ba yung pinag sasabi niyo ni Theo?!" Seryosong tanong ko kay Larry na uminom ng tubig. "Bakit hindi ko alam?!" Takang tanong ko pa. "Gaya nga ng sabi ni Theo ang alam ko eh girl friend ka niya." Sabi niya. "Actually sinadya talaga namin yun para walang makapanligaw sa akin." Sabi ko. "Why?" Tanong niya. "Di ko rin naman sila mapapanindigan magkaka sakitan lang. Ganun." Sabi ko. "Bakit nga?" Tanong pa ni Larry. "Look pagkagraduate ko pa lang ng elementary sinabi na sa akin ng parents ko na ipinagka sundo na akong ipakasal." Naluluhang sabi ko. "Hindi ka nag boy friend mula noon?" Tanong ni Larry. "Nag boy friend syempre! Nag rebelde ako noon eh. Alam ni Theo lahat ng kagagahan na ginawa ko noon." Sabi ko. "Pero nung college, nainlove ako eh. Nafall talaga ako. Pero pinaghiwalay kami ng parents ko. First heartache. Sobrang sakit nun. Nalaman ko pa ipinagpalit niya ko sa pera." Pag kukwento ko. "WTF! Dapat pala talaga nagpa kilala na ako sayo noon pa." Sabi ni Larry na hinawakan ang kamay ko. "Ano ka ba okay na yun ang importante eh yung ngayon hindi ba?" Sabi ko. "I promise I won't hurt you like that." Sabi niya na hinalikan ang kamay ko. "Ehem! Napaka sweet mo naman pala Lar! Pang aasar ni Theo kay Larry. "Shut up!" Sabi ni Larry. "Alice!" Sabi ko na niyakap si Alice. "Marga! Namiss kita." Sabi naman ni Alice. Masaya kaming kumain at nag kuwentuhan. "Saan punta niyo after this Valdez?" Tanong ni Larry kay Theo. "Sa condo ko." Sabi ni Theo. "Tara sa tagaytay. Double date?" Pag aaya ni Larry. "Sounds good Ruiz. Game ako." Sabi ni Theo. "Iuwi ko muna car ko sa condo then car mo na lang gamitin natin para sama-sama na tayo." Sabi pa ni Theo. "Great idea, Valdez!" Ngiting sabi ni Larry. Nang matapos kami na kumain ay nagtungo na kami agad sa condo ni Theo upang i-park ang sasakyan niya roon. "Ruiz, wait lang may kukunin lang ako sa unit ko. Bababa din ako agad." Sabi ni Theo na tinanguan ni Allen. "Baby anong gusto mong diner?" Tanong ni Larry. "Kayo na ni Theo ang bahala." Sabi ko na tinanguan niya. "Tabi na kayo ni Theo sa harap. Sa likod na lang kami ni Alice." Sabi ko pa. "Why?" Takang sabi ni Larry. "Mag girls talk kami ni Alice." Natatawang sabi ko. Nang makabalik si Theo ay agad na siyang sumakay sa kotse ni Larry. "Di ka mag rereklamo na katabi ng girlfriend mo ang girlfriend ko?!" Takang tanong ni Larry kay Theo. "Masasanay ka rin." Natatawang sabi ni Theo. Nag drive na si Larry patungo ng tagaytay habang nag uusap naman kami ni Alice sa likod at nag lalaro sa phone niya si Theo. "Nextweek sa batangas naman tayo." Sabi ni Theo. "What?" Takang tanong ni Larry. "Sa batangas naman tayo nextweek doon sa fish farm ni Alex." Sabi ni Theo. "May fish farm siya?" Takang tanong ni Larry. "Yup! Business partners kami actually." Natatawang sabi ni Theo. "Pwede din ba akong mag invest diyan? Tanong ni Larry. "No!" Agad na sagot ko. "Why?" Kunot noong tanong niya. "Ako na ang mag explain sayo later." Sabi ni Theo. Nang maka rating kami sa tagaytay ay inihinto ni Larry ang sasakyan sa restaurant na pinagkainan namin noong nakaraan lang. Nang maka upo kami ay agad ng nag order si Larry at Theo habang di parin kami natatapos na mag kuwentuhan ni Alice. "Ganito ba sila lagi?" Rinig kong tanong ni Larry kay Theo. "Yeah! Atleast ngayon may kasama na din ako sa wakas!" Natatawang sabi ni Theo. Nang dumating ang order namin ay kumain kami at nag tatawanan. Nang matapos kami ay agad ng nag drive ulit si Larry patungo sa kanyang rest house. "Wala paring pinagbago rito Ruiz!" Sabi ni Theo. "Yeah! Ayoko ng pabago bago eh." Ngiting sabi ni Larry na nakatingin sa akin. "Nice one bro!" Natatawang sabi ni Theo. "Gusto niyo bang mag coffee?" Tanong ni Larry. "Beer ako bro." Sabi ni Theo. Kumuha si Larry ng apat na beer at maraming chips. "Tara sa labas guys." Sabi ni Larry sa amin. Sumunod kami sa kanya palabas at binuksan niya ang mga pailaw. "Ang ganda." Manghang sabi ko. "So you like it?!" Ngiting sabi ni Larry na tinanguan ko. "I told you bro, mababaw lang ang kaligayahan ng bestfriend ko." Natatawang sabi ni Theo. "Ang lamig." Sabi ni Alice na agad namang niyakap ni Theo. "Nilalamig ka rin ba baby?" Tanong ni Larry sa akin. "No, I'm okay." Ngiting sabi ko ngunit nilapitan parin ako ni Larry ay niyakap. "Anyway, bii. Sebastian is back." Walang ganang sabi ni Theo. "At talagang bumalik pa siya dito sa pinas?" Iritang sabi ni Alice. "And so?" Walang ganang sabi ko. "Sinasabi ko lang. Baka magka salubong kayo one of this day." Sabi ni Theo. "Wait, sino bang pinag uusapan niyo?" Takang tanong ni Larry. "Sino pa edi ang ex ni Marga." Inis na sabi ni Alice. "WTF! Yung first love mo?" Kunot noong tanong ni Larry na tinanguan ko. "Nag aalala ka ba? Wala ka bang tiwala sa akin?" Seryosong tanong ko. "I trust you Marga." Seryosong sabi niya. "Wala tayong magiging problema as long as na pagkaka-tiwalaan mo ako." Seryosong sabi ko sa kanya. "Masyado ng malamig dito sa labas. Pasok na tayo sa loob." Biglang sabi ni Theo. "Oo nga nilalamig na din talaga ako." Segunda ni Alice. "Sige, pasok na tayo ng makapag pahinga na din." Sabi ni Larry na hinawakan ang kamay ko. Nang makapasok kami sa loob ay tinanong na ni Theo kung saan ang magiging kuwarto nila ni Alice. Nang makapasok sina Theo sa kanilang kuwarto ay pumasok na din kami ni Larry sa master's bed room. "Baby wala ba talaga akong dapat na ipag alala?" Seryosong tanong ni Larry. "Larry I told you, pagka tiwalaan mo lang ako." Sabi ko. "I know, pero kasi first love mo yun Marga." Sabi niya. "Larry, nakaraan ko na siya at higit sa lahat wala na akong ano pa man na nararamdaman para sa kanya." Seryosong sabi ko. "Yun ang gusto kong marinig." Sabi ni Larry na niyakap ako. "Mag pahinga na tayo, gusto kong mamasyal bukas." Ngiting sabi ko kay Larry. "Yun ang gagawin natin bukas." Ngiting sabi niya na hinalikan ako sa noo. "Sa bed ka na dito na lang ako sa couch." Sabi ni Larry. "Are you serious? Ang laki naman ng bed mo ah. Ayaw mo ba akong katabi?" Nang aasar na sabi ko. "Gusto syempre. Baka lang di ka sanay na may katabi." Tarantang sagot niya. "Wala ka namang gagawin na di maganda diba?" Natatawang sabi ko. "Yun ang di ako sigurado." Nagbibirong sabi ni Larry. "Fine sa couch ka lang." Sabi ko sa kanya. "Nag bibiro lang ako baby, to naman di na mabiro eh." Natatawang sabi niya na humiga na sa kanyang kama. "Siguraduhin mo." Natatawang sabi ko na tinanguan niya. "As long as na hindi ka pa ready hindi ko gagawin sayo yun." Ngiting sabi ni Larry na niyakap ako. "Ang alin?" Maang maangan na tanong ko. "Alam mo na yun baby." Natatawang sabi niya. "Pakasalan mo muna ako." Pag bibiro ko. "Eh kung pakasalan na kita agad bukas papayag ka?" Seryosong sabi niya. "Oo, engage na nga tayo diba?" Natatawang sabi ko na itinaas ang kamay ko na may singsing. "Saka hanggang sa kaya mo akong panindigan, papayag ako." Seryosong sabi ko. "I know baby. I love you so much." Sabi ni Larry na hinalikan ako. Gumanti ako sa mga halik ni Larry na noon ko lang naranasan mga halik na nagdala ng init sa aking buong katawan. Patuloy akong hinalikan ni Larry pababa sa aking Leeg. "Ahhhh Larrryyy" Napa ungol ako sa ginawang iyon sa akin ni Larry. "Mahal na mahal kita Marga." Ang sabi ni Larry. "Pakasalan mo muna ako, Larry bago mo gawin ito." Seryosong sabi ko. Tumango si Larry at niyakap ako. "Seryoso ka na gusto mo nang magpa kasal?" Seryosong tanong ni Larry. "Oo. Pero please ayoko ng bongga. Gusto ko yung simple lang. Basta naroon ang mga parents natin at malalapit na kaibigan." Seryosong sabi ko. "Okay baby, lahat ng gusto mo ang masusunod." Sabi ni Larry. "So kailan tayo pupunta sa bahay ng parents ko?" Natatawang sabi ko. "Nextweek uuwi ang parents ko dito sa Pinas. Mamamanhikan na kami." Seryosong sabi ni Larry. "Baka napipilitan ka lang." Pag bibiro ko. "Nope. Kung pwede lang kitang pakasalan na bukas na bukas gagawin ko eh." Seryosong sabi ni Larry. "Pwede naman eh." Pag bibiro ko. "Hindi ako nag bibiro Marga." Sabi ni Larry. "Oo na, sige na hindi na." Natatawang sabi ko. "Good night baby." Sabi ni Larry na hinalikan ako bago niyakap. "Good night my love." Ngiting sabi ko na yumakap sa kanya. "Teka teka anong sinabi mo? Anong itinawag mo sa akin?" Tuwang sabi ni Larry. "Hmmm matulog na tayo, inaantok na ako." Sabi ko. "Wait lang baby ulitin mo muna yung sinabi mo." Parang batang sabi ni Larry. "My love." Sabi ko na hinalikan siyang muli. "So mahal mo na ako?" Ngiting sabi ni Larry na tinanguan ko. "Ayoko kasi ng baby." Natatawang sabi ko. "Bakit?" Takang tanong niya. "Yun ang tawagan namin ng ex ko." Sabi ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Asar na sabi ni Larry. "Oh pag aawayan pa natin yan?" Kunot noong sabi ko. "Hindi na sige na hindi tayo mag aaway love." Ngiting sabi ni Larry. "Mahal kita Larry. Pagkatiwalaan mo lang ako." Sabi ko na nakayakap sa kanya. "Ito na ata ang pinaka masayang araw na nangyari sa tanang buhay ko." Sabi ni Larry na mahigpit akong niyakap. "Wag na wag mo akong lolokohin Larry kung hindi naku malalagot ka talaga sa akin." Seryosong sabi ko. "Yan ang hinding hindi ko gagawin sa iyo love. Mag tiwala ka ikaw lang." Seryosong sabi ni Larry. "Dapat lang. Ikaw lang din magtiwala ka din sa akin." Sabi ko naman. Magkayakap kami na natulog ng gabing iyon at maaga din kaming nagising kinaumagahan na magka yakap parin. "Good morning my love." Ngiting sabi ni Larry. "Good morning." Ngiting sabi ko na sumiksik sa dibdib niya. "Tara na mag asikaso na tayo para marami tayong mapasyalan." Sabi ni Larry na hinalikan ako sa noo. "Mauna ka ng mag shower love." Sabi ko na inaantok pa. "Okay, saglit lang ako ah." Sabi ni Larry na hinalikan muna ako bago tuluyang bumangon at maligo. Nang matapos si Larry ay naka upo na ko sa gilid ng kama at hinihintay siya. "Love mamili ka na lang ng damit mo iniayos ko na sa closet." Sabi ni Larry sa akin. "Thank you love." Sabi ko na lumapit sa kanya at hinalikan siya. Halik na ginantihan niya, hindi ko maintindihan na nag init ang aking katawan at mas naging mapusok ang aming halikan. Naisandal na pala ako sa pader ng hindi ko namamalayan dahil para akong uhaw na uhaw sa mga halik niya. Bumaba sa aking leeg ang halik ni Larry na umakyat patungo sa aking tenga. "Ahhhh Laarrryyy.." Ungol ko na mas lalong nag iinit pa ang aking nararamdaman dahil sa ginawang iyon ni Larry. "Hmmmmm mahal na mahal kita Marga." Bulong ni Larry na yumakap sa akin. "Alam ko na hindi ka pa handa. Mag hihintay ako." Bulong niya sa akin. Agad naman ako na pumasok sa banyo sa kuwarto ni Larry at agad kong binuksan ang shower. Nang matapos ako ay naka ayos na si Larry. Naka maong shorts lang ito at white shirt at white shoes. Ganun din ako naka maong shorts white shirt at white shoes. "Wow para tayong naka couple outfit." Natatawang sabi ko. "Yeah. Ayaw mo ba ng ganito? Mag papalit ba ako?" Tanong ni Larry. "Nope. Ang cute nga natin eh." Ngiting sabi ko na yumakap sa kanya. "Let's go?" Tanong ni Larry na tinanguan ko at hinalikan ako sa noo. Nang makalabas kami ng kuwarto ay nagulat kami na naroon na sa sala's si Alice at Theo. "Ang tagal niyo naman." Pabirong sabi ni Theo. "Sorry bro, ang tagal palang maligo ng bestfriend mo." Natatawang sabi ni Larry. "Ang aga niyo bii." Inis na sabi ko. "Well, itong fiance mo kasi kinatok na kami kanina." Sabi ni Theo. "Let's go na mag breakfast na lang tayo sa labas." Sabi ni Larry na hinawakan na ang kamay ko. Sa likod parin kami sumakay ni Alice at sa harap naman si Theo. "Ganito sila lagi?" Tanong ni Larry kay Theo. "Yeah. Masasanay ka rin." Natatawang sabi ni Theo. Nang makarating kami sa resto ay agad na nag order si Larry. "Napaka rami mo namang inorder bro." Sabi ni Theo. "Okay lang yan inorder ko lahat ng favorite ng mahal ko eh." Ngiting sabi ni Larry. "Wow. Ang aga niyong mag lambingan." Natatawang sabi ni Theo. Nang kumakain na kami ay lumapit ang isang waiter na inabutan ako ng kape. "Excuse me wala akong inorder na coffee." Takang sabi ni Larry. "Yes, sir. Yung manager po kasi namin ipinabibigay po ang favorite coffee ni miss Alex." Ngiting sabi ng waiter. "Naka duty na si Frank?" Tanong ko sa waiter. "Opo, miss. Naroon po siya sa counter." Sagot bg waiter na itinuro ang kinaroroonan ng amo. "Who is he?" Kunot noong tanong ni Larry. "Client namin sa aming farm bro." Sabi ni Theo. "Client na malaki ang pagka gusto sa fiance mo." Inis na sabi ni Alice. "WTF!" Inis na sabi ni Larry. "Love, nasa harap tayo ng pagkain watch your word please." Sabi ko kay Larry na hinawakan ang kamay niya. "Wag kang mag alala bro. Walang gusto ang fiancemo sa tao na yan. Sadyang big client lang talaga namin siya." Sabi ni Theo. "Kumain na tayo? Love, please wag sanang masira ang araw natin dahil dito." Nakikiusap na bulong ko kay Larry. Nang matapos kami na kumain ay agad ng kinuha ni Theo ang aming bill upang maka alis na sa resto na iyon. Nagulat na lamang ako na si Frank mismo ang nag abot ng aming bill. "Discounted na yan bro." Sabi ni Frank kay Theo. "Woah! Thank you bro." Sabi ni Theo na iniabot kay Larry ang bill. "So miss Alex, thank you at naka dalaw ka rin dito sa aking resto." Ngiting sabi ni Frank. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Larry dahil alam ko na naiirita na siya. "Well, dito kasi kami dinala ng fiance ko. Hindi ko alam ikaw pala ang may ari nito sir." Ngiting sabi ko. "Fiance?" Takang tanong ni Frank. "Oh yeah. Love this is Mr. Frank Chua one of client sa aming farm. Sir my fiance Larry Ruiz." Pag papakilala ko sa kanila. "Nice meeting you Mr. Chua. Thank you sa discount." Pilit na ngiting sabi ni Larry. "Wala yun Mr. Ruiz. Anytime balik kayo rito bibigyan ko parin kayo ng diacount." Ngiting sabi ni Frank. "Thank you sa discount bro. Alis na kami at may lakad pa kami." Sabi ni Larry "Love, tara na." Bulong ko kay Larry na humawak sa braso niya. Nang makarating kami sa kanyang sasakyan ay sa tabi na ako ni Larry umupo. "Bakit dito ka umupo?" Takang tanong ni Larry. "Ayaw mo ba? Gusto mo bang sa likod na lang ako?" Kunot noong tanong ko. "No, nagulat lang ako love." Sabi niya na hinawakan ang kamay ko. "Hey! Tama na yan tara na." Sabi ni Theo. "Ingit ka lang eh." Natatawang sabi ni Larry. "Pero gusto mo nang manakit kanina?" Natatawang sabi ni Theo. "Oo! Gusto ko siyang tirisin." Kunot noong sabi ni Larry. "Tama na yan. Tara na." Walang ganang sabi ko. Nang maka alis na kami ay tahimik lang ako sa harap at nag lalaro lang sa aking phone si Larry at Theo lang ang mag kausap at umidlip naman si Alice. "Bro, bababa kami ni Alice sa park diyan." Sabi ni Theo. "Mag kita na lang tayo sa Resto na sinabi ko sayo kanina mamayang lunch." Dagdag pa ni Theo. "Okay bro. dun kami sa kabilang park. Chat lang later. Mag late lunch na lang tayo para hindi na matao sa resto." Sabi ni Larry. "Okay bro. Chat chat na lang. See you later guys." Sabi ni Theo na bumaba na ng sasakyan kasunod ni Alice. "Love, kanina ka pa tahimik." Kunot noong sabi ni Larry. "Ang totoo nainis kasi ako sayo kanina." Walang ganang sabi ko. "I know, mali ko yun love. Sorry." Sabi ni Larry habang nag papark ng sasakyan niya. "Larry, di ko kakayanin kung lagi kang ganun. Ang bilis mong mag selos." Inis na sabi ko. "Love, nasa adjustment stage pa ako. Kung di ako nag pigil kanina bali bali na buto-buto ng Frank na yun kanina." Inis na sabi ni Larry. "So dapat pa pala akong maging thankful sa pagka rude mo kanina?" Galit na sabi ko. "No, my love. I'm sorry." Sabi ni Larry. "Please naman love, mag tiwala ka naman sa akin." Naluluhang sabi ko. "I trust you, Marga. Talagang seloso lang ako." Sabi ni Larry. "Larry, be confident na mahal kita. Pakakasal nga ako sa iyo diba." Sabi ko na niyakap siya. "I will my love." Sabi niya na hinalikan ako sa labi. "Let's go na love. Para marami tayong mapasyalan." Sabi ko na tinanguan niya at bumaba na sa kotse upang ipag bukas ako ng pinto. "Napaka gentle man naman ng fiance ko, seloso lang." Pang aasar ko kay Larry na humawak sa kamay niya. "Oo na, aminado naman ako." Natatawang sabi niya. Masaya kaming nag lakad lakad sa park, nagpicture. Sobrang sweet pala talaga ni Larry. "Gusto mong mag ice cream love?" Tanong ni Larry. "Nope." Sagot ko. "Coffee na lang tayo. May malapit na coffee shop dito." Ngiting sabi ni Larry. "Talagang kabisado mo dito noh? Dito ka ba madalas na makipag date noon?" Iritang sabi ko. "Love, ikaw pa lang ang dinala ko dito. Isa pa malapit lang to sa resthouse ko at dito rin ang favorite place ko." Tarantang sabi ni Larry. "Okay." Walang ganang sabi ko. "Napaka selosa rin pala ng fiance ko." Nang aasar na sabi ni Larry. "Now you know." Taas kilay na sabi ko. "Wag kang mag alala love ikaw lang. Mahal na mahal kaya kita." Ngiting sabi ni Larry na inakbayan ako payakap sa kanya. Nang makarating kami sa coffee shop ay nag order kami agad. "Nag chat ako kay Theo. Pinapunta ko na sila dito." Sabi ko kay Larry na tinanguan niya. "Thank you for this day my love." Post ko sa aking account na kasama ang picture ng kamay namin ni Larry na magka hawak. "Ang busy mo naman sa phone mo love." Sabi ni Larry. "Nag post lang ako. Nag seselos ka na naman." Natatawang sabi ko. "Anong pinost mo?" Takang tanong niya. "Amina phone mo." Sabi ko kay Larry na agad na ibinigay ang phone niya. "Yan na follow mo na ako makikita mo na ang mga post ko." Ngiting sabi ko na iniabot sa kanya pabalik ang phone niya. "Wow. Sana next post mukha na natin." Ngiting sabi ni Larry. "Darating din tayo dun love." Ngiting sabi ko. "Ang sweet niyo naman." Nang aasar na sabi ni Alice. "Mas sweet padin kayo ni Theo." Natatawang sabi ko. "Pagod na ko balik na tayo sa resthouse mo bro." Sabi ni Theo kay Larry na tinanguan nito. "Wait lang. Dumaan tayo sa palengke muna ah. Ako na lang magluluto ng lunch at dinner bago tayo bumalik ng manila mamaya." Sabi ko. "Okay, love." Ngiting sabi ni Larry. Nang matapos kami na mag kape ay agad na kaming nagpunta sa sasakyan ni Larry upang magpunta ng palengke. Nang makarating kami ng palengke ay kami na lang ni Alice ang pumasok sa loob. Nang matapos kaming mamili ay bumili rin kami ng mga kakanin. "In love ka na ba talaga kay Larry?" Biglang tanong ni Alice. "Oo. Pero natatakot ako. Takot na takot Alice." Seryosong sabi ko. "Bakit? Mukha namang mahal na mahal ka nung tao. Imagine di mo pa siya kilala mahal ka na niya." Ngiting sabi ni Alice. "Isa pa Alex, hindi siya ang ex mo malayong malayo sila kung yun ang kinakatakot mo." Seryosong sabi pa ni Alice. "I know, Alice." Sabi ko. "Kaya utang na loob wala kang dapat na ikatakot. Ibigay mo lahat ng pag mamahal mo para kahit na anong mangyari wala kang pag sisisihan." Sabi ni Alice. "Oo na! Tara na nga nabibigatan na ko sa mga bitbit natin." Natatawang sabi ko. "Thank you, lagi kayong andiyan ni Theo." Sabi ko. "Nag drama pa nga. Parang kapatid ka na namin ano ka ba!" Ngiting sabi ni Alice. Nang makarating kami sa sasakyan ay tinulungan kami ni Theo na ilagay sa sasakyan ang mga pinamili namin ni Alice habang may kausap sa phone si Larry. "Mainit ang ulo ng fiance mo bii." Sabi ni Theo. "Bakit? Sino bang kausap niya?" Takang tanong ko. "Secretary niya ata. Nagka problema ata sa office niya." Sabi ni Theo. "Sige ako na lang ang tatabi sa kanya baka kumalma siya." Sabi ko na tinanguan ng dalawa. Tapos nang makipag usap sa phone si Larry ng maka sakay kami nina Theo sa sasakyan niya. "Tara na ba?" Ngiting tanong ni Larry na tinanguan ko. "Bakit dito ka sa tabi ko umupo?" Nang aasar na tanong ni Larry. "Natakot ako sayo baka bigwasan mo na lang ako bigla." Asar na sabi ni Theo. "Woah! Hindi ko gagawin sayo yun bro. Takot ko lang sa bestfriend mo." Natatawang sabi ni Larry. "So okay ka?" Nag aalalang tanong ko. "Yeah. Don't worry love, trabaho yun. Mas importante ka, kayo." Ngiting sabi ni Larry na hinawakan ang kamay ko. Nang makarating kami sa resthouse ni Larry ay sila na ni Theo ang nag buhat ng mga pinamili namin ni Alice. Agad na din kami na pumasok sa loob at nag ready ng mga gagamitin para sa lulutuin ko. Nang maisalang ko ang baka sa presure cooker ay nag pasya ako na mag bihis na muna. Pag pasok ko ng kuwarto ay naroon si Larry na nakaharap sa kanyang laptop na naka kunot ang noo. "Love, are you okay?" Nag aalalang tanong ko. "Yes my love. Don't worry." Ngiting sabi ni Larry. "Are you sure?" Kunot noong tanong ko na yumakap sa kanya. "Yes, my love. wag ka na mag alala sa akin." Sabi pa ni Larry na humawak ng mahigpit sa braso ko. "OMG! Nawawalan ba ng pera ang company mo?" Gulat na tanong ko. "Yeah, how did you know?" Takang tanong ni Larry. "Base on the graph love nawawalan ng 10billion ang company mo. Nalipat ito sa iba't ibang private account sa ibang bansa. "Are you sure love?" Gulat na tanong ni Larry. "Yeah, the three account is in europe, the others are account from singaphore, hongkong, vietnam, malasia, two accounts from U.S and Canada." Seryosong sabi ko na kinakalikot ang laptop niya. "Wow love You're so genius." Seryosong sabi ni Larry ni niyakap ako. "Love, kaya nga nakuha ko ang highest latin award noong nag graduate ako." Pabirong sabi ko. "I know. Thank you love." Sabi ni Larry na hinalikan ako. "If you want kaya kong makuha ang pangalan kung kaninong mga account yan." Seryosong sabi ko. "Seriously love? Kaya mo talaga?" Gulat na tanong ni Larry. "Yes, love just give me three days." Sabi ko na yumakap sa kanya. "Thank you so much Marga." Sabi ni Larry na humalik sa akin. "Welcome, love. Sige na mag bibihis lang ako alam ko namang bibitinin mo lang ako." Natatawang sabi ko. "WTF!" Gulat na sabi ni Larry. "Watch your word Larry." Kunot noong sabi ko. "Pero love, nang aaar ka kasi." Sabi ni Larry. "No, I'm not. Nag sasabi lang ako ng totoo." Natatawang sabi ko. "Sige na magluluto pa ako." Dagdag ko pa. Napili ko na isuot ang shirt ni Larry na kulay sky blue. Nag mukha itong dress ng maisuot ko. Nang makapag bihis ako ay nasa salas na si Larry kausap si Theo habang si Alice ay nag hihiwa na ng mga ingredients para sa lulutuin ko. "Nag salang na ko ng sinaing beb." Ngiting sabi Alice. "Thank you beb." Ngiting sabi ko naman. "Ang cute ng suot mo ah." Nang aasar na sabi ni Alice. "Ang tagal ko na pinangarap na makasuot ng shirt ng magiging boy friend ko." Natatawang sabi ko. "I know." Tumatawang sabi ni Alice. At masaya na kaming nagluto ng bulalo at beef with brocolli. Nang matapos kami na mag luto ay agad na rin kaming kumain. "Sorry guys medyo nalate na ang lunch natin." Natatawang sabi ko. "Okay lang bii busy din kami ng fiance mo kanina." Ngiting sabi ni Theo. At masaya kaming kumain habang nag kukwentuhan at nag tatawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD