Chapter 11

1347 Words
MARGARETTE's POV Kinaumagahan ay nagising ako sa tabi ni Luke at parehas kaming walang saplot. Nakita ko na nakatitig sa akin si Luke. "Good morning baby." Ngiting sabi ko na yumakap sa kanya. "Good morning baby ko." Sabi niya na hinalikan ako sa noo. "Anong plano mo baby?" Tanong niya pa. "Plano saan?" Takang tanong ko. "Sa atin? Anong plano mo? Para alam ko din." Seryosong sabi niya. "Hindi ko alam." Sabi ko. "So itong nangyari sa atin wala lang to? Gusto mo lang matry kung ano yung ka-FUBU?" Galit na sabi ni Luke. "Hindi Luke! Maniwala ka hindi." Naluluhang sabi ko. "So ano nga? Ganito lang tayo? Itatago mo lang ako?" Sabi niya. "Itutuloy mo parin ang kasal mo kay Larry?" Sabi niya na naluluha. "I don't know. I really don't know Luke!" Lumuluhang sabi ko. "So anong gusto mong mangyari?" Sabi ni Luke. "Ano bang gusto mo?!" Tanong ko sa kanya. "Syempre gusto kita. Alam mo at ramdam mo naman yun diba?!" Sabi niya na niyakap ako. "Papayag ako kahit itatago mo lang ako Margarette. Kahit pangalawa lang ako. Basta nasa tabi mo lang ako papayag ako." Umiiyak sa sabi ni Luke. "Parang hindi ko deserve yang love na binibigay mo para sa akin." Sabi ko kay Luke. "Hindi ko kayang pigilan to baby. Ngayon na nagka roon ako ng katiting na chance please let me be with you kahit pangalawa lang ako." Umiiyak na sabi niya. "Paano pag nalaman ni Larry?" Sabi ko. "Hanggang di niya pa nalalaman hayaan mo muna ako sa tabi mo. Please." Sabi niya na tinanguan ko. "Gagawin ko ang lahat para maging tama tong sa atin once na marinig ko sayo ang gusto kong marinig. Trust me baby gagawin ko lahat." Seryosong sabi niya na naka yakap sa akin. "Tara na maligo na tayo para makapag breakfast na." Ngiting sabi ko. "Mauna ka na baby ko. Tatawag pa ako sa office." Malambing na sabi ni Luke. "Saka baka ano na namang magawa ko sayo." Natatawang sabi niya pa. Agad naman akong nagtungo sa banyo ng aking kuwarto at nag shower na. Nang matapos ako ay nag suot lang ako ng skinny jeans at plain white shirt at si Luke naman ay nag shower na. Nag check lang ako ng aking emails. Nang matapos si Luke ay lumapit na siya sa akin. "Ang pogi naman ng baby ko." Ngiting sabi ko. Naka plain white shirt din siya at maong na fitted shorts. "Thanks baby. Saan tayo mag bebreakfast? Gutom ka na ba?" Sabi niya na hinalikan ako sa noo. "May naka handa nang breakfast para sa atin sa kubo sa labas. Tara na?" Sabi ko na hinawakan siya sa kamay. "Okay lang ba na mag PDA tayo dito?" Tanong niya. "Yes, alam ng mga tauhan ko dito na boss kita at Gay ka." Sabi ko na tinanguan niya. "Wait lang." Sabi niya na hinila ako tapos ay hinalikan sa aking labi. "Para saan yun?" Takang tanong ko. "Di naman kasi kita pwedeng halikan sa labas di ba?" Seryosong sabi ni Luke. Nang makalabas kami sa aking villa ay agad kaming nag tungo sa kubo. Naroon si Tata Kaloy at ang asawa niyang si Nana Carmen. "Tata, nana, sabayan niyo na po kami." Sabi ko sa dalawa. "Naku ma'am, tapos na po kami. Sige na po kumain na po kayo ni Sir." Sabi ni nana Carmen. "Pasensya na po nana natanghali kami ng gising." Sabi ko. "Naku ma'am okay lang po. Alam po namin napagod po kayo sa byahe.". Sabi ni nana Carmen. Habang kumakain kami ni Luke ay may tumawag sa kanya at sinagot niya. "Yes, dad. Sure. By next month dad sige po papayag na akong mamahala ng company natin. Usap na lang po tayo pag balik ko diyan." Sabi ni Luke sa kausap niya. Nang matapos kami na kumain ay ipinasyal ko siya sa aking buong fish farm. "Sino yung kausap mo kanina?" Tanong ko. "Si dad." Sabi niya. "Aalis na ako sa trabaho ko. Kailangan ko ng hawakan ang company namin." Sabi niya. "Iiwan mo ko?" Tanong ko. "Sasama ka ba sa akin?" Seryosong tanong niya. "Di ba hindi naman" Sabi niya pa. "Paano kung sasama ako?" Seryosong sabi ko. "Totoo ba yan?" Gulat na sabi niya na tinanguan ko. Masaya si Luke na niyakap ako. "Thank you baby." Sabi niya na hinalikan ako sa noo. "Akala mo matataksan mo na ko huh!" Nang aasar na sabi ko. "Hindi kita tatakasan baby. Lilipat lang ako ng company. Akala ko kasi di ka papayag na sumama sa akin kaya nag desisyon ako na i-handle na ang company namin para rin di mahalata ng iba ang relasyon na meron tayo. Kahit patago lang ako." Seryosong sabi ni Luke. "Gusto mo talaga akong iwan." Malungkot na sabi ko. "No! Iiwan mo ako pero ikaw hinding hindi ko gagawin yun. Ngayon pa?" Sabi niya na niyakap ako ng mahigpit. "Hindi ko itutuloy ang pag papakasal ko kay Larry." Seryosong sabi ko. "Hindi papayag yun. Kilala ko yun." Sabi ni Luke. "Wala naman siyang magagawa hindi na ganun kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya oo siya ang naka una sa akin pero ayoko na halos every week may mag ki-claim na may nangyari sa kanila ni Larry na may nabuntis siya. T**g i*a naman ang sakit sakit." Lumuluhang sabi ko. "Pero mahal mo parin siya, Marga." Sabi ni Luke. "Pero ayoko na nga ng ganun." Umiiyak na sabi ko. "Kilala ko si Larry. Gagawa at gagawa ng paraan yun para matuloy ang kasal niyo. Mahal na mahal ka nun." Sabi ni Luke. "Bakit ikaw? Di mo ba ako mahal? Bakit ayaw mo na hiwalayan ko siya at itama yung sa atin?" Inis na sabi ko na umiiyak parin. "Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na itama mo tong sa atin. Yung hindi mo ako itatago. Yung ipag sisigawan mo na ako ang pinili mo. Kung alam mo lang MARGARETTE!" Naluluhang sabi niya. "Parang hindi mo naman gusto! Hindi ko nga maramdaman eh!" Galit na sabi ko na tumakbo palayo sa kanya. Bumalik ako sa villa at nag mukmok sa aking kuwarto. Nag check ako sa aking phone. Puro messages at tawag galing kay Larry kaya naisipan ko na tawagan siya. "Love! Thank god! Where are you?" Tarantang tanong niya ng sagutin ang tawag ko. "Tapusin na natin kung anong meron tayo Larry. Ayoko na." Mahinahong sabi ko. "No! Mag usap tayo ng personal nasaan ka?!" Sabi niya. "Hindi mo na kailangang malaman kung nasaan ako. Please. Parang awa mo na maghiwalay na tayo." Paki usap ko. "No! Hindi ko kaya ayoko! Mahal na mahal kita Margarette!" Matigas na sabi ni Larry. "I'm so sorry, pero hindi ko na kaya. Please tigilan na natin to. Ayoko na Larry, ayoko na sana naman irespeto mo ang desisyon ko." Umiiyak na sabi ko. "No! Nasaan ka?! Mag usap tayo ng personal! Pupuntahan kita kahit nasa impyerno ka pa!" Galit na sabi ni Larry. "Please stop! Hindi kita kayang makita. Ayoko na makita ka! Parang awa mo na ayoko na Larry." Umiiyak na sabi ko. "Kasama mo ba si Luke?! Alam ko magka sama kayo! Nasaan siya kakausapin ko siya." Galit na sabi ni Larry. "Yeah. Kasama ko siya. Wag mo siyang idamay satin. Pinakiusapan ko yung tao. Wala siyang kinalaman sa atin! Lalo na sa mga ginawa mo." Galit na sabi ko. "May mga sinabi ba siya na lalong ikina tindi ng galit mo sa akin?" Galit na sabi ni Larry. "Utang na loob! Wala siyang sinabi nakinig lang siya sa akin. Sinamahan niya lang ako." Sabi ko. "I'll give you space. Pero hinding hindi ako papayag na maghiwalay tayo Margarette! Hindi!" Sabi ni Larry. "Whatever, Larry. Hindi mo na mababago ang isip ko. Buo na ang desisyon ko na hiwalayan ka! Don't worry ako na ang eexplain sa parents ko kung anong nangyari." Sabi ko. "Ako na din ang mag ka-cancel ng pamamanhikan mo. Wala ng kasalang magaganap." Sabi ko pa na pinindot ang end button ng tawag. Umiyak lang ako ng umiyak sa aking kuwarto hanggang sa makatulog pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD