MARGARETTE's POV
Bago ako maligo ay nag chat muna ako kay Larry.
"Maliligo na ako. May nag hihintay sayo sa sala." Maikling chat ko.
Nang matapos ako na maligo ay nagbihis lang ako ng fitted dress at white sneakers at nag chat ako kay Luke.
"Beb, san ka? Sunduin mo ko sa condo." Chat ko kay Luke.
"OTW na ako sa bar beb. Sige daanan kita. Asan si Larry? Di ka sasabay sa kanya?" Reply ni Luke.
"Kwento ko na lang later beb. Hintayin kita sa baba." Reply ko.
Palabas ako sa aking kuwarto ng marinig ko ang sinabi ng babae.
"Buntis ako at alam natin parehas na ikaw ang ama nitong dinadala ko Larry." Sigaw ng babae.
Nag madali akong lumabas ng kuwarto at patakbong tinungo ang elevator.
"Naka buntis siya? Nabuntis niya ang babaeng iyon?!" Mga tanong ko sa isip na umiiyak.
Eksakto naman na pagbaba ko ng building ay naroon na si Luke.
"Anong nangyari bakit ganyan ang hitsura mo beb?" Tanong ni Luke nang makasakay ako sa kotse niya.
"Ilayo mo ako dito beb. Yung malayong malayo." Umiiyak na sabi ko.
Habang nasa byahe kami ay hinayaan niya lang ako na umiyak.
Ala's nuebe na ng gabi ng mapansin ko na nasa batangas na pala kami.
"Hala batangas na tayo." Gulat na sabi ko.
"Sabi mo dalhin kita sa malayo." Sabi ni Luke.
"Okay na din to gusto ko munang makalayo sa problema." Sabi ko na naiiyak na naman.
"Ano bang problema beb? Nag away na naman ba kayo ni Larry?" Tanong niya. Uniling lang ako.
"Eh bakit?" Takang tanong ni Luke.
"May nag puntang babae sa condo. Buntis daw siya at si Larry ang ama." Umiiyak na sabi ko.
"Naku beb. Hindi na bago yan kay Larry. Dati noong wala ka pa almost everyday may pupunta sa kanyang babae na nag sasabi na buntis sila at si Larry ang ama." Sabi ni Luke.
"Marami ba talaga siyang babae?" Lumuluhang tanong ko.
"Yes, pero walang commitment yun beb. Marami siyang babae na ka-FUBU niya lang." Paliwanag ni Luke.
"What do you mean by ka-FUBU?" Takang tanong ko.
"F**k B***y beb." Natatawang sabi niya.
"What the heck! Talagang may mga pumapayag sa ganun?" Gulat na sabi ko.
"Yeah! Ganyan din ako noon. Noon yun ah college pa ako nun." Sabi ni Luke.
"Girl o boy? Curious na tanong ko.
"Girl ofcourse!" Natatawang sabi niya.
"Gusto mo bang kumain?" Tanong ni Luke.
"Wala akong gana." Sabi ko.
"Hayyy naku! Nagugutom ako kaya sa ayaw at sa gusto mo kakain tayo." Mandato ni Luke.
Nang makababa kami ng sasakyan ay nasa harap pala kami ng restaurant na malapit lang sa farm ko.
"Pag tapos natin na kumain dun na lang tayo sa farm ko tumuloy. Malapit lang yun dito." Sabi ko kay Luke.
"Okay, buti na lang para di na tayo maghanap ng hotel dito. So may farm ka pala dito." Sabi ni Luke na hinawakan ang kamay ko habang nag lalakad kami.
"Yeah, actually kasosyo ko ang bestfriend ko." Ngiting sabi ko.
"Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Larry beb." Sabi ni Luke.
"Wag mo na lang munang sagutin beb." Naluluhang sabi ko na tinanguan niya.
"Pinatayan ko siya ng phone beb. Nag chat lang ako na wag siyang mag alala at kasama mo ako." Sabi ni Luke na tinanguan ko.
Tahimik lang kami na kumain ni Luke. Nang matapos kami ay tumambay muna kami sa labas na resto na may mga palamuti ng pailaw at upuan.
"Saan banda rito ang farm mo beb?" Basag ni Luke sa katahimikan.
"Malapit lang, ako na lang mag drive papunta doon." Ngiting sabi ko na tinanguan niya.
Ilang minuto pa kaming nag kuwentuhan hanggang sa napag desisyonan na naming mag punta sa aking farm. Agad na iniabot sa akin ni Luke ang susi ng kanyang kotse.
Agad akong nag drive pag kapasok namin ni Luke sa sasakyan.
"Gusto ko mamingwit bukas." Sabi ni Luke.
"Sure, pero may pasok ka po sir." Natatawang sabi ko.
"WFH na lang din muna ako bukas." Sabi ni Luke.
"Paladesisyon ka na naman sir." Tumatawang sabi ko.
"Minsan lang naman beb." Sabi niya pa.
Agad din kaming naka rating sa aking fish farm at nag deretso ako sa bahay ng aking katiwala.
"Naku ma'am Alex kayo ho pala iyan. Pasok ho kayo." Sabi ni Tata Caloy.
"Naku tata Caloy pasensiya na po at ginabi na kami. Kukunin ko lang po sana ang susi sa villa." Nahihiyang sabi ko.
"Ah oh sige sandali lang anak." Agad na sabi ni tata Caloy.
"Maraming salamat po tata Caloy. Pasensiya na rin po at naistorbo ko ang tulog po ninyo." Nahihiyang sabi ko.
"Naku wala po iyon ma'am." Ngiting sabi ni tata na iniabot sa akin ang susi.
"Sige po tata Caloy dito na po muna kami ng kasama ko at bukas ko na lang po siya ipakikilala sa inyo. Pasensiya na po sa istorbo. Salamat po." Sabi ko kay tata Caloy na tinanguan at nginitian niya.
Nag drive na ako ulit nang maka sakay ako sa sasakyan patungo na sa aking villa sa loob ng aking fish farm.
"Grabe mukhang malawak ang fish farm mo beb." Sabi ni Luke.
"Luhhh ang dilim nakita mo?" Natatawang sabi ko.
"Andito na tayo. May dala ka bang extra clothes?" Sabi ko pa.
"Yeah, lagi naman akong may dala." Natatawang sabi niya.
Nang mabuksan ko ang pinto ng aking villa ay binuksan ko na agad ang ilaw.
"Wow, ang ganda naman dito beb." Sabi ni Luke.
"I know. Thanks." Natatawang sabi ko.
"Sayo lang to?" Tanong niya.
"Yeah, yung kay Theo na villa medyo malayo dito sa akin." Sabi ko na tinanguan niya.
"Gusto mo mag beer?" Tanong ko.
"Yeah sure!" Sabi niya at agad akong nag tungo sa ref at inabutan siya.
"Ako lang ang mag bebeer? Ang daya mo naman." Sabi ni Luke.
"Vodka ko beb." Sabi ko.
"Edi vodka na din iinumin ko." Sabi ni Luke na ibinalik sa ref ang beer.
Kumuha ako ng maraming chips at nagtungo kami sa sala upang doon manood habang umiinom.
"Hindi ka pala inom talaga noh?!" Sabi ni Luke.
"Paano mo naman nasabi?!" Mataray na sabi ko.
"Ang pula pula mo na oh. Ang cute cute mo." Natatawang sabi niya.
"Grabe ka baka naubos na kasi natin yung isang bote." Natatawang sabi ko.
"Paubos na yung mga chips. Kuha ka pa ulit." Sabi ni Luke.
Patayo na ko nang ma-out of balance ako at natumba kay Luke.
"Kitam, lasing ka na. Ako na nga ang kukuha." Sabi ni Luke na nakatitig lang ako sa kanya.
"Beb, ang bigat mo oi!" Sabi pa niya.
"May gusto ka ba sa akin?" Biglang tanong ko kay Luke.
"WTF, Alex?!" Sabi niya.
"Luke, alam ko, ramdam ko hindi ka bakla." Seryosong sabi ko.
"Anong pinaga sasabi mo beb. Lasing ka lang." Sabi ni Luke na hinahawi ako.
"Hindi ako lasing! Bakit kailangan mong mag panggap na bading ka pero hindi naman." Seryosong sabi ko na nakatitig sa kanya.
"Hindi ako nag papanggap Alex!" Sabi ni Luke.
"Oh really? Pero bakit lahat ng password mo sa lahat ng files sa office eh may kinalaman sa akin?! Para madali ko matandaan? Funny." Sarkastikong sabi ko na ikinagulat niya.
"Oo ganun na nga." Kabadong sagot niya.
"Kahit bago pa ako dumating ganun na talaga mga password mo, really funny." Sabi ko.
"Okay, dahil ayaw mo namang umamin. Kukuha lang ako ulit ng chips." Natatawang sabi ko.
"Oo gusto kita matagal na rin. Mas nauna kitang nagustuhan kesa magustuhan ka ni Larry." Pag amin ni Luke.
"So hindi ka talaga bading tama?" Tanong ko na tinanguan niya.
"So paano mo ako nakilala at nagustuhan?" Tanong ko pa.
"College tayo nun lagi kang isinasama ng isang prof. namin noon para gawing example at minsan nag tuturo ka sa amin pag wala si prof. Ramirez." Sabi niya na ikinagulat ko.