"HALA!" PANUNUKSO NI Adale nang mapansin ang lakad niya. Hindi mapigilan ni Ravia na mapangiti nang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Andrei. Labis lang ang saya niya na sa wakas ay nagawa na nila ang matagal na nilang gustong gawin sa isa't isa. Hindi niya maitatanggi na iba ang galing ng kasintahan niya pagdating sa malambot na kama. Kung puwede lang na hindi sila matapos ay gugustuhin niya. Ngunit hindi mangyayari iyon sapagkat may hangganan ang kasintahan niya. Natapos nitong malabasan ay pagod na pagod na ito. Nakatulog pa nga ito habang siya ay nanatiling masigla. Iyon nga lang, nahuli siya ng matalik niyang kaibigan na tabingi ng maglakad kaya walang tigil na ito sa pang-aasar sa kaniya. Alam na nito na nawala na sa mapa ang V-card niya. Nilingon ni Ravia ang matalik na k

