" Kanina pa tayo. Hindi pa ba mag uumpisa?" Tanong ni katana sa katabi nito. Ngayong gabi ang pagdedeklara kay katana bilang mapapangasawa ng namumuno sa samahan. "May hinihintay pa daw." "Sino ? Mahigit isang oras na tayong naghihintay dito." Inis na sabi nito. Kung tititigan din sya ngayon ay bakas ang pasa sa mukha at naka support ang braso. "You better shut your mouth ,katana. Hindi mo kilala kung sino ang kakampi mo dito hanggat hindi ka pa naikakasal kay master. Bantayan mo ang bawat salitang lumalabas jan sa bibig mo. " " Sige ,auncle." Napatingin ang lahat sa malaking pinto ng bumukas ito at unang tumambad si silver. ACE - silver , red and blue Si silver na nasa harap sa likod nito ay isang bulto na may suot ng mahabang coat pati mukha ay natatakpan. Sa likod nama ay nakap

