Jewel's pov Sa pagsigaw ni Ivan madaming ala-ala na malabo sa utak ko. "You are darn desperate! I don't like you, I will never like a woman like you," sigaw ng isang lalaki sa akin sa ala-ala ko. Pinipilit kong kilalanin ang lalaki pero napakalabo. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo dahil sa nakikita ko sa ala-ala ko at sa kaguluhan sa pagitan ni Ivan at Sean. Tumingin ako kay Ivan pero may muling pumasok sa isip ko na eksena. "Mahal na mahal kita bakit hindi mo kayang ibaling sa akin ang pagmamahal mo? Ano bang kulang sa akin," sabi ng babae na kamukha ko. Umiiyak ito at pilit inaabot ang kamay ng lalaki pero hindi niya magawa dahil umiwas ang lalaki. "I don't love you. I don't want you! Disgusting!" Sigaw ng lalaki sa babaeng kamukha ko. Tumingin ako sa paligid at madaming tao na na

