Jewel pov
"Tsk bakit kasi sumama ka pa kuya sa pagsundo sakin ,yan tuloy sayo ako pinasabay .Di sana kasama ko na ang baby ko ngayon asar ka"ungot ko sa driver pero wala akong naririnig dito badtrip naman oh pipi ba ata. Haitz.
Nakatingin lang ako sa harap ,sa kotseng sinasakyan ni baby ko na sinusundan namin ng biglang bilisan nito pero si manong driver kumaliwa.
"Kuya bakit ka kumakaliwa iba ang daan na tinahak nila baby ko." Sabi ko.
"Sorry ma'am pero sinabihan po ako kanina ni master ivan na diretcho na daw kayo sa mansyon dahil may pupuntahan pa sila. Nga po pala anjan po sa my paper bag yung sinasabi ni lady shannie na pagkain. Kainin nyo na din daw po"kahit asar ako kasi di sila sumabay sakin ay binuksan ko ung pagkain sa my gilid nitong backseat.
"Hmmm amoy pa lang nakakabusog na galing talaga ni baby ko pwede ng mag asawa. Ligawan ko kaya" wala sa sariling sambit ko narinig ko namang tumawa ang driver.
"Ma'am yung baby ba na sinasabi nyo ay si master ivan?"
"Yes ,asawa ko sya .Bakit angal ka huh" sabi ko na may kataasang boses.
Umiling lang ito at nagpipigil ng tawa.tskkkk
Hmmm sarap talaga nito ano kayang tawag dito sa niluto ng asawa ko . Gosh swerte ng magiging anak namin di lang magandang lahi ang naibigay sakin ng daddy nila ,magandang buhay tapos my freebies pang ka pogian ka hot-an at ka dami daming s*x appeal . Ay jewel dyosa ka .
Naubos ko ang pag kain at kulang pa bat kasi ang kaunti.
"Ah maam nandito na po tayo"sabi ni manong kaya bumaba na ako . Kahit lagi ako sa mansyon nila tita sheen ay di ko pa rin mapigilang mamangha.
Pumasok na ako dahil welcome ako dito soon to be daughter in law kaya ako.
"Titaaaa megggssss" tili ko ng makita ko sya .Lumingon naman ito sakin. Gosh ang pretty naman nito bawal ba pangit sa clemente.
"Hi jewel. Come with me nasa dining area na sila. I don't know kung anong meron at completo tayo ngayon. Alam mo ba?" Tinanong nya ako kaya umiling na lang ako. Baka kasi surprise to masira ko pa.
"Buti general nakatagal kang kasama ang bratty naming kapatid . At napatino mo din sya hah"
"Wow mj hiyang hiya ako sa pagtitiis ni papa tyrone sayo sa ilang taon. Grabe pagka isip bata mo kaya" malditang rinig ko habang papunta kami sa dining area. Napangiti ako sa tawanan na naririnig ko.
"Ako kaya nagtitiis jan may pagka abnoy e."
Haha nakakahiya talaga si mommy buti di ako nagmana jan.
"Mahiya nga kayo sa mga asawa nyo dito nyo pa napiling mag away e hindi nyo to bahay . Bunso paalisin mo ang mga yan baka di ako makapagpigil hay naku" tita am.tahimik naman kaming umupo ni ate megs wala atang nakapansin dahil sa sagutan nila.
"Aba hiyang hiya kami sayo am buti nga di ka pa iniiwan ni president .Grabe ka kahigpit jan . Napaka selosa mo pa kita mong pati secretary nya pinalitan mo ng lalaki hahaha"sagot ni mommy
"Tapos am di kami mapapa alis dito ,close kaya kami sa may ari" tita dj na nakayakap kay tito hell habang kandong nito si nate his 2 yrs old son.
"Tama na yan baka magkainitan kayo at magkanda basag basag na naman ang mga gamit dito. Di pwede sa harap ng mga prince and princess natin." Sabi ni lola dawn.
"Bakit nga pala biglaan ang pagpunta nyo dito" tanong ni daddy gavin. Advance ako kaya daddy na haha.
"Sorry dude di na kami nakapagsabi si davis kasi umiiyak hinahanap si erza" sabi ni tito david kaya napatawa kami .
"Galawang hokage yang anak mo president. Haha dude tanungin mo si mrs ko biglang nag aya dito." Tito hell.
"I miss our bunso angal ka huh. Malay ko ba baka pinapahirapan nitong si gavin ang bunso namin."tita na inirapan si daddy gavin. Si daddy gavin naman at umiling lang at patuloy na inaayos ang mahabang buhok ni erza. Na kanina pa tahimik.
"Am txted us na pumunta dito" maikling sagot ni daddy.
"Gavin nakausap mo na ba si shannie. Nasaan na ba yan at pati mga bantay nya ay di sya mahanap." Si lolo na nagtanong . Nakita ko sya kaninang nakangiti habang pinapanuod ang kulitan dito.
"Pauwi na daw papa ,my surprise daw iwan ko dun lagi na lang tinatakasan ang bantay"si daddy gavin .
"Weak naman kasi ng mga bantay ,sakin nga di na makaporma kay shannie pa kaya" bulong ko .
"What?" Rinig kong sabi ni tita megs at nakita kong nakatitig lahat sila sakin.
"Ah wala po hehehee. Hello po pala daddy gavin and mommy sheen. Di na ako nakabati kanina they are having a good time pa po kasi heheh"sabi ko sabay peace sign.
"Hoy jewel maka daddy at mommy ka naman. Kami nga di mo pa binabati" si mommy at inirapan pa ako.
"Mhie lagi na tayong nagbabatian okay na yun. Ngayon babati muna ako sa soon to be in laws ko . Hello din po pala lolo and lola iingatan ko po talaga ang asawa ko ..... arayyy"sabi ko ng may bumatok sakin at lahat sila ay nagtawanan.
"Aba anak mahiya hiya ka anong in laws ka jan at asawa. Lintik kang bata ka dito ka pa nag gaganyan di ka na nahiya"sabi nito kaya tumingin ako kay daddy para pigilan si mommy. Ngunit kumindat lang ito sakin kainis.
"Hahaha nakakatuwa ka naman jewel akala ko puppy love lang ang pagkagusto mo sa alien pamangkin ko pero ngayon asawa na .advance e"si tita megs na lakas ng tawa.
"Tita i'll do everything in my power just to have him... perfect like him deserve a goddess like me"yabang kong sabi kaya natawa naman silang lahat.
"Dream on jewel ,baka kay shannie e di ka na umubra dapat sakanya ka muna magpalakas."sabi ni tita dj nangunot naman ang noo ko ng sabihin nya yun. Close ko si shan pero anong connect sa pagpili ni ivan.
"What?"
"Well , alam mo bang nung 6th bday ng kambal nasabi ni shannie na sya ang pipili ng perfect girl para sa kuya nya and ivan agreed." Natawa naman ako. Tsk dami pauso.
"Close ko na si sha. Pero ayokong makalapit ako kay asawa ko dahil sakanya. I want my baby to fall,fall for me..
.......fall for me ,only me." Mahinang bulong ko.
"What's going on here?"
....
FOLLOW
LIKE
COMMENT