"Tisay ang dami nating weird na taong nakikita. Una si ano-yung crush mong oa na nahawakan mo lang nag react na. Tapos yung lalaki lastweek na hinabol tayo at tinatawag kang jewel. Kung gusto mong malaman pagkatao mo dapat di natin tinakasan yun kasi nga diba kilala ka nya bukod jan sa gwapong sinamahan natin" "Wala akong dapat pagkatiwalaan ngayon . May amnesia ako at hindi biro ang nangyari sakin nung dinala ako sa inyo. Ibig sabihin may gustong pumatay sakin. Malay mo kung yung lalaking yun isa sa may pakana. Trust no one." Ang gaan ng loob ko sa lalaking yun. Nung niyakap nya ako biglang sumakit ang ulo ko. Pero hindi yun rason para magtiwala. "Ang gulo ng buhay mo tisay. Isa lang sigurado ko mayaman ka. Pinagkakatiwalaan mo ba sya?" "Di ko alam. Wala akong maramdamang panganib

