EDWARD'S POV: Na inip na ako kaya naman naisipan ko nang puntahan na si Diane dahil medyo nagugutom na din ako. Pag tapat ko sa kuwarto ay nakasalubong ko si Jane... "Tapos na bang ayusan si Diane?" tanong ko dito. "Ahm, sandali na lang po sir at lalabas na din po siya, nag bibihis lang po," sagot naman nito. Tumango na lamang ako at tumalikod dahil tatawagan ko na ang restaurant na kakainan namin. Para pag dating namin doon ay nakahanda na ang pag kain dahil medyo kumukulo na talaga ang tiyan ko dahil mag aala una na ng hapon. Busy ako sa pag kausap sa staff namin sa restaurant nang senyasan ako ni Jane na palabas na si Diane. Saktong pag lingon ko ay nasa pintuan na siya at hindi ko maiwasan ang mapanganga at muntik ko pang mabitawan ang aking cellphone dahil sa sobrang gulat sa

