25

2040 Words

May nagtangkang tumakas. Galit na galit ang leader ng mga tulisan dahil doon. Gusto man ni Alejandro na protektahan ang taong iyon ay wala na itong nagawa nang iharap sa mga bihag at parusahan. Pangatlong araw na namin dito pero wala pa ring tulong na galing sa baba. Nakakain pa naman kami ngunit kamote lang at tubig. Minsan ay hindi pa nagbibigay. Pinaggigiitan ni Gov na may maayos na silang pinag-usapan ng leader ngunit waring balewala naman at parang wala ring saysay. Sa galit ng leader ay pati kami ni Alejandro ay isinama na rin sa kulungan. Bukod na ngayon ang babae sa lalaki. Lahat ay hinataw ng tabla ang binti na waring paraan nila iyon para magbigay ng babala. Hindi ako kasama sa hinataw. Hindi ko alam kung bakit. Kahit may bubong na ang kulungan ay nababasa pa rin kami kapag u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD