Three

2785 Words
"NASAAN ANG AKING anak?" malakas na hiyaw ni Uncle Melchor sa harap nila Lola. Galit na galit ito na tinabig ang flower vase sa center table. Nakaupo ako sa gilid ng barandilya kung saan tanaw ang sala ng mansion. Nagising kaming lahat na wala na si Lucille at ang Mama nitong si Aling Rosette. Iyak ako nang iyak nang malaman na wala na ang pinsan ko. Hindi namin alam kung nasaan s'ya o kung saan dinala ng Mama n'ya. Sobra akong nag-aalala para rito. "Sa silid ka na muna." Yaya ni Yaya Analyn pero tumangi ako. Baka may marinig akong salita na makapagbibigay ng assurance sa akin na okay lang ang pinsan ko. "I'll stay here." Kumapit pa ako sa bakal upang hindi maalis sa pwesto ko. "Sinabi ko naman sa 'yo wala si Rosette. Ibig sabihin lang no'n ay itinakas n'ya ang anak mo. Nagpatawag na ako ng pulis. Tutulungan n'ya tayong maibalik si Lucille rito sa mansion. Makakapiling din nating muli ang apo ko." Seryosong ani ni Lolo Eulo. Alam kong nasasaktan din ito, kahit palaging seryoso ito ay alam kong mahal din naman nito si Lucille. "Halika na..." mahinang ani ni Yaya. Pero muli akong umiling. Dito lang ako. "Bakit kailangan gawin iyon ni Rosette? Oh God!" frustrated na hiyaw ni Uncle Melchor. May kasama itong babae na hindi ko kilala. Hinahagod ang likod ni Uncle at may sinasabi rito na hindi ko naman maintindihan. "Melchor, kumalma ka!" utos na ni Lola. Dapat this time tatahimik at kakalma na ang Uncle ko pero hindi. Humiyaw pa ito sa labis na galit. Kaya naman tumayo si Lola at malakas na lumapat ang palad sa pisngi ni Uncle Melchor. Natahimik ang lahat. Ang babaeng nagpapakalma kanina kay Uncle ay waring na bahag ang buntot at napaupo sa couch. "I said calm down. Kung narito ka sana eh 'di hindi sana naitakas ni Rosette ang apo ko. Inuna mo pa ang babae mo, imbes na bigyan ng prayoridad ang bata. Nasaan ka? It's your fault. Hinayaan mo pa kasing pumasok sa mansion na ito ang babaeng malas na iyon." This time, I think si Lola naman ang dapat na kumalma. Nanlulumong napaupo si Uncle sa couch. "Parating na ang mga pulis. Ayusin mo ang sarili mo." Bilin ni Lola na biglang naging kalmado na. Dumating ang mga pulis. Naririnig ko pa rin ang usapan nila. "Nababahala kami, Chief! Baka mapahamak ang apo ko sa piling ng babaeng baliw na iyon!" ani ni Lola na hawak ang panyo at iyon ang ginagamit sa pagpunas ng kanyang luha. "Seniora Hilda, huwag po kayong mag-alala. Lahat ng exits ng bayan ng Sindang ay napalagyan na namin ng bantay. Sinusuyod na rin ang bawat sitio, at tahanan upang makatiyak na hindi nagkukubli si Ginang Rosette sa mga lugar na iyon." "Pupunta ako sa bahay ng mga Luhan. Baka naroon lang ang anak ko." Dinig naming ani ni Uncle Melchor. Pero mabilis na inawat ito ni Uncle Manny. "Not now! May mga tao na roon. Saka iyon ang unang sinuyod ng mga tauhan natin upang tiyakin na hindi nila itinatago ang mag-ina." Saway ni Daddy Jericho na ng babalitaan ang pagkawala ni Lucille ay agad na dumating kasama si Mommy Venaria. Naglahong parang bula si Lucille. Tanging si Kasmir na paboritong sakyan ni Lucille ang natagpuang patay sa gilid ng bangin. Ngunit nang suyurin ang bangin ay wala namang nakuhang bangkay roon. Iniwan ako ni Lucille rito sa mansion. Lahat ng atensyon ay napunta sa akin, ayaw ko ng atensyon na iyon. Mas gusto ko ng katahimikan. Tahimik sa apat na sulok ng aking silid. 15 YEARS LATER, "ALEJANDRO DELA BERGA, s'ya ang gobernador ng bayan ng Sindang. Asawa ni Coleen Soloren." Inilapag ni Lady A ang folder na naglalaman ng mga impormasyon na kakailanganin ko sa huling misyon ko. Katatapos lang ng misyon ko sa labas ng bansa kasama si Garette. Naging maayos naman iyon kaya naman nang bumalik ako ng Pilipinas ay agad akong pinatawag ni Lady A upang pag-usapan ang tungkol sa huling misyon ko. Hindi si Alejandro Dela Berga ang talagang target ko sa misyon na ito. Kung 'di ang pamilya ng asawa nito. Ang pamilya ni Coleen, ang pamilya na tinakasan ko 15 years ago. Nang buklatin ko ang folder ay unang tumambad sa akin ang mukha ni Alejandro Dela Berga na kuha sa isang campaign event kung saan nang matapos ang election ay nanalo ito. Katabi ang pinsan kong si Coleen na nakahawak sa braso nito. Walang kinalaman si Coleen sa paghihiganting gagawin ko. Pero tiyak kong masasagasaan ko ito. Naging malupit ako sa pagdaan ng mga taon. Hinasa ako ng grupo ni Lady A para maging malupit at magamit sa huling misyon ko ang lahat nang naituro nito sa akin. "Makakalapit ka kay Alejandro Dela Berga sa tulong ng taong ito." Iniangat n'ya ang larawan ng isang gwapong lalaki na hawig ni Alejandro. Kapatid? Iyon agad ang pumasok sa aking isipan."Pinsan ito ni Alejandro, s'ya si Karik Dela Berga. Matalik na magkaibigan ang dalawa at malapit talaga sa isa't isa. Kaibiganin mo, kunin mo ang loob n'ya at s'ya na ang kusang maglalapit sa 'yo kay Alejandro." Nauunawaan ko ang nais mangyari ni Lady A. Agad akong naglahad ng kamay rito. "Thank you, Lady A." "Be wise, Lucille. Ayaw kong bumalik ka sa akin na wasak na naman. Ang gusto ko'y tulad ng mga kaibigan mo, hindi na kayo babalik pagkatapos ng huling misyon n'yo." "Opo. Asahan mong magwawagi ako sa huling misyon kong ito." "Aasahan ko iyan." Kita ko na malaki ang tiwala ng taong ito sa akin. S'ya ang pumulot at tumulong sa akin na muling makatayo. Nang lumabas ako ng office ni Lady A ay may mapanganib na ngisi ang sa labi ko'y nakaguhit. "Creepy!" komento ni Garette na s'yang nakasalubong ko sa hallway. "Last mission!" inangat ko pa ang folder na hawak ko. Natutop ni Garette ang bibig n'ya sa gulat. "Last? As in? Sa Sindang na ba iyan? May maitutulong ba ako?" excited na tanong nito sa akin. Mabilis naman akong tumango-tango. "Tiyak na marami kang maitutulong sa akin. But for now, mag-unwind muna tayo. May alam ka bang bar na pwedeng puntahan? Gusto kong magpakalasing ngayon." Agad naman itong nag-thumbs up. Saka excited na inakbayan ako at hinila na patungo sa unit ko. "May alam akong bar, maghanda na tayo para mahaba ang gabi natin." Tumango naman ako rito. Inilagay ko muna sa cabinet ang folder saka ako dumeretso sa shower. Kailangan kong linisin ang katawan ko dahil pakiramdam ko'y kumapit na ang lahat ng dumi sa akin. Pagkatapos ng misyon namin ni Garette ay umuwi kami agad. Walang reason para magtagal pa sa lugar na iyon. Mabuti na lang din dumeretso ako rito sa head quarter. Pagkatapos kong linisin ang buong katawan ko'y nakahubad akong humarap sa human-sized mirror. Ang dating kulot kong buhok ay unat na unat na ngayon. Siguro'y bukas magtutungo ako sa salon para ipaayos ang buhok ko. Sabi ko nga'y kamukha ako ni Mama. Kahit naman kasi sunod ang kalahating parte ng katawan nito ay nanatili namang makinis at maganda ang kalahati pa. Kinuha ko ang towel at tinuyo kong mabuti ang katawan ko. "Dali!" dinig kong ani ni Garette. Feeling ko sa closet ko s'ya nagkakalkal. Kaya naman humakbang na ako palabas na wala man lang saplot sa katawan. Hindi naman na nagulat ang babae. Sanay na ito sa akin, at sanay na ako rito. "Wear this!" inihagis nito sa akin ang red silk backless dress. Hapit na hapit iyon sa katawan ko dahil minsan ko na iyong isinukat. But this time, isusuot ko iyon para irampa. Nang maisuot ko iyon ay pinagmasdan ko sa salamin ang sarili ko. "Perfect!" komento ni Garette sa akin. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ito rin ang maganda sa mga naging training namin. Lahat kami ay magaganda ang hubog ng mga katawan. Kaparehong design lang ng damit ang isinuot ni Garette. Pero sa kanya ay kulay purple. Pareho pa kaming napahagikgik sa naging result ng mga damit sa katawan namin. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Isang red stiletto naman ang ipinares ko saka isang sling bag na kasya lang ang phone ko at wallet na lalagyan ko ng mga cards ko pati na ng ID. "Kapag may lalaki na akong nakita huwag mo na akong lapitan." Bilin ni Garette sa akin. Napabungisngis naman ako at tumango. "Me too... hindi tayo magkakilala." Nag-high five pa kami nito. Tiniyak kong maayos din ang makeup ko saka kami nito umalis. Sasakyan ko ang gamit, balak nga talaga nitong um-exit mamaya kung may mahanap itong lalaki. Bahala s'ya, malaki na s'ya. Elpido. Iyon ang bar na tinungo naming dalawa ni Garette. Agad kaming nakapasok nito dahil VIP ang Gaga sa lugar na ito. Pagdating sa loob ay agad na tumambad sa akin ang elegant na ayos ng bar. Maraming tables kung saan may mga couch din. May kalakihan ang dance floor, pero sa tingin ko'y mas magandang tumambad sa bar counter. "Hi!" flirt na bati ni Garette sa bartender. Gwapo, maganda ang katawan dahil naka-topless lang naman ito kaya kita agad. Matangkad din at papasang model. "Done checking?" nakangising tanong nito sa akin. Nagkibitbalikat naman ako. "Average!" sagot ko nang makaupo nang maayos saka ipinatong ang bag sa table. Napabungisngis naman si Garette sa sinabi ko. "Ouch!" arte nito na inilapit pa ang mukha sa akin. "Beautiful!" ani naman nito. Isang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha. "I know!" confident na sagot ko rito. Napakagatlabi tuloy ito. "Dangerous..." hindi ako nailang sa titig nito. "Of course! Hindi pwedeng kayo na lang palagi." Saka ito umayos ng tayo. "The usual, gano'n din kay Lucille." Singit ni Garette na panay ang kindat sa lalaki. "Type mo?" tanong ko kahit pa naririnig kami ng lalaki. Medyo malakas ang tugtog pero sapat naman para marinig namin ang isa't isa. "Pass, masarap lang gumawa ng alak." Napabungisngis ang lalaki sa takbo ng usapan namin ni Garette. Bakit kailangan pang magbulungan, kung pwede namang pag-usapan ng harap-harapan. "The owner!" dinig kong ani ni Garette. Sa cellphone ito nakatingin. Pero kusang lumingon ang ulo ko at tumambad ang tinutukoy nito. Palapit sa bar counter. Nang ilapag ng bartender ang dalawang kopita ng alak ay agad naming dinampot ni Garrette iyon, sabay na inilapit sa labi at inisang inom. "Wow!" puri ng lalaking kadarating sa pwesto namin. Nang tignan ko ang lalaki ay parang nakarinig ako ng nagche-cheer sa akin. It's Karik Dela Berga. Nakipagtitigan ito, saka ngumisi. Bahagya ko rin itong nginisihan at mapilantik ang daliri na inilapag ang baso ng alak. "Target!" mahinang ani ko. Bahagyang napakagatlabi. Nakailang shot pa kami ni Garette saka kami tumayo at magkahawak-kamay na nagtungo sa dance floor. Hindi pa naman simula ang misyon ko, magpa-party muna ako. Nang napalitan nang maharot na tugtog ay parehong umindayog ang mga balakang namin ni Garette at sumabay sa tugtog. Nang umikot ako'y tumambad ang mukha ng lalaking ngayon ay nakalapit na. Nanatili ang maharot na tugtog. Imbes na lumayo kay Karik ay agad kong ipinulupot ang kamay sa batok nito. Saka muling sinabayan ang tugtog. Dumidikit ang katawan sa lalaking kapareha. Sinasadyang tuksuhin ito, tumalikod pa ako habang nakakapit pa rin sa batok saka iginalaw ang balakang. Agad na napahawak sa bewang ko ang lalaki. Mas lumakas ang tugtog. Nakuha pa naming magtitigan ni Garette na ngayon ay may nakuha na ring kapareha. Pareho ang pitik ng balakang namin. Dumidikit sa aking pang-upo ang tiyak kong nagising ko ng haliman sa suot n'yang pantalon. Masarap ang idinulot nang pagkakapisil nito sa bewang ko, kusa ring iginagalaw ng lalaki ang kanyang balak. Mabagal, sadyang idinidikit sa akin ang kanyang katawan. Nang hinawakan ako nito sa braso ay walang naging reklamo mula sa akin. Kinindatan ko pa si Garrete na agad ding ngumisi. Pumanhik kami sa hagdan. Patungo sa second floor. I think sa VIP room kami pupunta. "Don't worry, wala akong gagawing masama sa 'yo." Sagot ni Karik na humapit sa bewang ko ang kamay. Hindi naman ako takot, kung aayaw ako at hindi ito magpapigil ay pwede ko namang tapusin ang buhay n'ya. Pumasok kami sa VIP room. Akala ko kami lang ang magiging tao. Pero sa dim light na silid, nakita ko kaagad ang isang lalaki na naninigarilyo. Sa center table ay mga basyo ng alak. "Couz!" oh s**t! Iyon agad ang naghumiyaw sa utak ko. Si Alejandro Dela Berga ang lalaking nakaupo ngayon dito sa VIP room na ito. Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Makilala pa kaya n'ya ako? It's been 15 years, sampung taong gulang pa lang ako nang makilala ko s'ya sa mansion noon. S'ya itong batang nakakwentuhan ko at nagbigay sa akin ng kwintas. "I told you na gusto kong mapag-isa!" magaspang ang tinig na ani ni Alejandro. Napangisi naman ako pero tiyak na hindi kita dahil sa angulo ko mula sa dim light. "Don't worry bababa rin ako." "How about her?" takang ani ng lalaki. "Of course bababa rin ako." Kalmadong ani ko na pati ang pagsandal sa couch ay eleganteng-elegante ang dating. Saka marahang dumekwatro at may naglalarong ngiti sa labi. "By the way what's your name?" tanong ni Karik sa akin. Dinampot nito ang baso at marahang sumimsim ng alak doon. "Lucille," nakangiting sagot ko sa lalaki. Saka bahagya ipinatong ang siko at nangalumbaba. "Ikaw?" tanong ko kay Karik na simpatiko ang naging ngiti sa akin. "I'm Karik. He's my cousin---" "Shut up!" mariing saway ng lalaki sa pinsan nito. Naitikom tuloy ni Karik ang bibig. Nang tumingin ito sa akin ay medyo apologetic na ang tingin. "It's fine, I'm not even interested to know." Waring nakahinga ito nang maluwag. Nang tignan ko si Alejandro ay huling-huli ko ang pagkamangha nito habang nakatitig sa akin. "Bakit naman d'yan ka nakaupo? Hindi interested si couz, dito ka sa tabi ko." Udyok ni Karik. Tumayo naman ako. Imbes na umupo sa bakanteng pwesto ay umupo ako sa lap nito. "Naughty girl!" nabiglang ani nito lalo't naupuan ko ang hinaharap n'ya. "You like that?" tanong ko. "Y-es!" napakagatlabi pa ito saka pinisil ang bewang ko. "Unfortunately, you can't have that!" sabay tayo na ikinatawa nito. "Ouch! Really?" waring na challenge na ani nito. Umupo ako sa tabi nito. Umakbay ang lalaki sa akin pero hindi ko inalis iyon. Hinayaan ko s'yang akbayan ako habang titig na titig ako sa lalaking ngayon ay sa amin na ni Karik nakatingin. "Ngayon lang kita nakita rito, at kasama pa ni Garette." Panimula ni Karik sa usapan. Hindi ko pinuputol ang pakikipagtitigan kay Alejandro. "Ngayon lang nakatakas sa trabaho." Tugon ko. Totoo naman kasi tambak ang trabaho na kailangan unahin, kailangan isantabi ang pahinga. Katatapos lang ng misyon, panibagong misyon na naman ang nakahain. "Anong klaseng trabaho?" tanong ng lalaki sa akin. "I'm here to enjoy, hindi interview ang dahilan nang pagpunta ko rito." Tumayo ako."Ang boring dito, tara sa baba!" nakangising ani ko kay Karik. "Samahan mo muna ako sa loob." Turo nito sa isa pang silid."May kukunin lang ako." "Sure!" kung ayaw ko pwedeng pahintuin ito, I'll just need to make sure na pareho kong makukuha ang atensyon ng dalawa. Pagpasok namin ay agad ako nitong kinabig. Hindi pa naisara ang pinto, kita at tiyak na maririnig kami ni Alejandro Dela Berga. Tumugon ako sa mapangahas nitong halik. Isinandal ako ni Karik sa pinto habang sapo-sapo na nito ang aking malulusog na dibdib. Ang p*********i nito'y ikinikiskis na sa aking puson. Hindi s'ya ang dapat na dumenante sa pagkakataong ito. Itinulak ko s'ya at mabilis na lumuhod sa harap nito. Napabungisngis si Karik sa ginawa ko. Tinulungan pa ako nitong kalasin ang belt n'ya. Parang musika sa pandinig ko ang daing ng lalaki na nasasarapan sa mainit kong bibig na nagpapaligay rito. Nang dumako ang tingin ko sa pinto ay kitang-kita ko si Alejandro Dela Berga na nakatayo ilang hakbang mula sa pinto. Titig na titig sa mainit na tagpo. Lihim ang naging ngiti ko, hindi ko pinutol ang pakikipagtitigan dito. Habang nasa bibig ko pa ang p*********i ng pinsan nito at pinaliligaya ito. Nang maramdaman kong nilabasan na ito ay agad akong tumayo. Kinabig ko ang batok ni Karik. "Damn!" agad nitong pinutol ang halik habang ako ay napabungisngis. "How's your c*m? Is it great?" maharot na tanong ko rito. Napangiwi naman ito na pinunasan ang bibig. Nang tignan ko si Alejandro ay wala na ito sa pwesto n'ya kanina. "Bye! Babalikan ko pa ang kaibigan ko." "Pero hindi pa tayo tapos." Awat ni Karik sa akin pero ngumisi lang ako saka tumalikod dito. Wala na ang lalaking nanonood sa amin kanina. Lumabas na ito. Pagkalabas ko'y iginala ko ang tingin sa paligid ko. Pero wala na talaga ito roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD