Matapos ang kilig moment na kwentuhan namin ay naisipan nadin namin bumalik sa kanya kanya naming klase and take note huh?
kaklase ko pala siya guys!? I'm so excited na tuloy kaso naghihinayang ako kase kung wala siya noong first period that means wala ng vacant seat para sakanya kase last na yung inupuan ni mr. impakto kanina eh hayssst
sayang naman talaga sana siya nalang yung nalate kanina para kami yung magkatabi mas gaganahan pa siguro akong pumasok araw araw kaso sa kinamalas malas eh yung asungot na aroganteng lalaki na yun yung katabi ko ,
what if suggest ko sa adviser namin na si Kyle nalang katabi ko pwede kaya yun? naku! kaso nakakahiya baka isipin pa nila ang haliparot kong nerd ,tsk! dibale nalang basta kaklase ko siya pabor na saakin yun kase makikita ko siya araw araw
mabubuwesit man ako sa katabi ko atleast mayroon naman akong bwesit reliever ,at yun ay walang iba kundi ang poging nilalang na kasama ko ngayon . ?
.
diko namalayan kung saan saan na pala napapadpad yung isip ko at itong kasama ko naman ay naghahanda na palang bumalik sa building hayss! kay gwapo gwapo talaga niyang nilalang kung hindi lang siguro ganito ang itsura ko ay tiyak hindi ako mahihirapan magpapansin rito at mabihag ang kanyang puso kaso sa sitwasyon ko ngayon at sa itsura ko malabong mangyare ang mga iniisip ko
sana kapag dumating na yung tamang panahon yung tipong wala na akong tinatakasan o tinataguan sana pwede pa ,
sana hindi pa siya magkagusto sa iba kase kahit unang beses pa lang kami nagkita ay magaan na agad ang loob ko sakanya at tila ba na love at first sight ako ,
sa gwapo ba naman ng lalaking ito imposibleng hindi ka magkakagusto rito kase may natatangi siyang kagwapuhan na hindi mo mahahanap o makikita sa iba .
sa kakaisip ko nang kung anu ano ay nainip na yata yung kasama ko kanina pa kase siya nakatayo at hinihintay yata ako ,
paano ba naman kase nakaupo pa ako dito at pinagpapantasyahan itong lalaki na nasa harapan ko .
' ang lalim naman yata ng iniisip mo ?'
tanong niya saakin nang makatayo na ako
.
'uh-huh!? hindi naman ,paano mo naman nasabi? '
kunwa'y tanong ko pabalik.
'kase kanina pa ako nagsasalita eh hindi ka naman yata nakikinig parang nasa iba yung atensyon mo at wala saakin '
makahulugang sagot nito
' ayy sorry hindi naman kase sa ganun, inisip ko lang kung bakit may ganoong klaseng lugar dito eh parang haunted nga doon sa bahaging likod ng campus'
palusot ko rito ,kase naman nakakahiya
'haunted naman talaga sa lugar na yun eh'
sabi niya
'to-totoo??!'?
napahinto ako sa paglalakad at tumingin sakanya nang may pagtatanong sa aking mga mata at gulat. kaya ba walang ibang nagpupunta doon ? OMG! sinasabi kona nga .......
hindi kona natuloy pa na tapusin yung nasa isip ko nang bigla nalang siyang tumawa , nakakunot naman ang aking noo na tumingin sakanya . baliw ba ito?
' anong nakakatawa ?!'
inis na tanong ko rito para kasing sira tatawa bigla eh wala namang nakakatawa ,di kaya adik itong lalaki na ito??
'HAHAHA kase naman nakakatawa yang reaksiyon mo ,joke ko lang naman yun wala talagang multo doon kung yan nasa isip mo HAHA'
at tumawa pa siya niyan huh! tsk. malay ko ba kung nagsasabi siya nang totoo diba ? kase hindi naman imposible na haunted nga yung lugar na yun .
dahil sa inis ko iniwan ko nga siya doon at naglakad na palayo .akala ko pa naman may matino na akong makakausap hayyyyst!
'uy teka ! masyado ka naman highblood ,nagbibiro lang naman ako sorry na .'
yun nga at hinabol niya ako pero imbis na mainis ako ay nakilig ako kase naman hinawakan niya yung kamay ko at nagsorry ,
kailangan ba talaga ganun? issshh eng sweet nye nemen kahit minsan may pagka pilyo siya alam niya mag approach agad. oh god help me I'm falling! ?
matapos ang mahaba habang pag iisip charr! matapos ang tampuhan itche namin kanina eh nagmadali na kaming pumunta ng building kase malalate na kami kung magdadrama pa ako diba?
'good morning maam'
sabay naming bati sa prof. namin mas nauna kase siyang pumasok saamin mabuti nalang dumating kami sa eksaktong oras .
naglakad na ako papunta sa upuan ko then naalala ko saan nga pala siya uupo gayung wala ng vacant seat .?
'Mr.Santos bakit ngayon ka lang pumasok ,nasabi saakin ni Ms. Bermudez na hindi ka daw umattend kanina sa first subject nya.?'
biglang tanong sakanya ng prof. namin , bakit nga ba kase wala siya kanina ? sana naman may maganda siyang rason para hindi siya mapagalitan. masungit pa naman si Ms. Bermudez palibhasa matandang dalaga ,narinig ko lang sa tabi tabi ang about sakanya ,hindi ako chismosa okay?! .
'Maam may inasikaso lang po kase ako kaninang umaga for personal matter po . I'm sorry hindi napo mauulit '
paumanhin niya sa aming guro
mukhang kumbinsido naman si maam dahil tumango ito sakanya tska sinabing sa dulo siya umupo which means sa bandang likod ng upuan namin ni Impakto.
bakit di nalang siya sa tabi ko pinaupo eh wala naman yung impakto na katabi ko.
......nag start na ang dicussion at sa buong oras ng pagtuturo ng aming guro pasulyap sulyap ako kay Kyle ...
siya naman busy at nakikinig lang sa mga sinasabi ng aming prof. ang bait naman niya ,siguro magaling din siya kase makikita mo sakanya ang pagiging interesado niya sa pag aaral ,
napakaswerte naman ng mga magulang niya pati narin ng magiging girlfriend niya kase bukod sa gwapo na ,matalino pa o diba? saan kapa !
tanga ka nalang kung aayawan mopa ang isang tulad niya na ideal man!.
nasa ganoon lang ako ng bigla siyang mapatingin sa gawi ko at ngumiti kaya naman nagulat ako at nakaramdam ng hiya ,
sh*t! nahuli niya akong nakatingin sakanya mamaya baka kung ano ang isipin niya ,hayyssst kaya naman napagdesisyunan ko nalang na tumingin ulit sa harapan at pinilit na i analyze ang mga sinasabi ng prof namin kase naman si kyle lang laman ng utak ko .
...
natapos na ang buong klase at sabay na kaming lumabas ng building as expected tinginan na naman saamin yung mga tao especially girls..hahaha ..(inggit lang kayo ) sabi ko sa isip ko ..hehe..
sa gwapo ba naman kasi nang kasama ko imposibleng di kami mapapansin dagdag mo pa na isang nerd ang kasama niya !! but i don't care mamatay sila sa inggit basta ako masaya ako at kasama ko ang prince charming ko .haha prince charming talaga kath!?
makalipas ang ilang minuto nang paglalakad
nakarating na din kami sa paradahan ng sasakyan niya..
well if nagtataka kayo kung bakit ako nandito ngayon sa paradahan ng sasakyan niya is because he offer me a ride ang sweet diba?! haha charr!
kinikilig na naman yung pisngi ng pwet ko ! pati pwet ko kinikilig!?? yun nga at pinagbuksan niya ako ng pinto ,napaka gentleman niya talaga . pagpasok ko pa lang naamoy kona kaagad ang mabangong amoy sa loob ng kanyang sasakyan hindi ganoon masakit sa ilong at nakakahilo sakto lang . !
sumakay nadin siya then in start yung engine ng sasakyan at nagsimula na nga siyang magmaneho ..
'ano pala work ng parents mo?'
tanong nya saakin
'nagtatrabaho yung papa ko sa kompanya .. kami din ang may ari kaya siya ang pinaka head doon .siya ang nagpapatakbo ng bussiness namin..'
sagot ko...
'eh yung mom mo?' tanong nya ulit saakin..
'yung mommy ko?'
bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko pagdating kase sa usapan about kay mommy eh nagiging emosyonal talaga ako.
napansin niya siguro ang bigla kong pagtahimik kaya napatingin nadin siya saakin .