Chapter 62

2557 Words

IYONG sama ng loob na nararamdaman ni Victoria dahil sa masakit na salitang binitiwan ni Francis ay napalitan ng pag-aalala dahil sa biglaang pananakit ng ulo nito. Nabanggit sa kanya ni Danielle noon na bigla-bigla na lang daw nananakit ang ulo nito kapag nati-trigger ang alaala nito o kung pinipilit nito ang sarili na makaalala. Kaya nga kahit na gustong-gusto niyang sabihin dito kung sino siya ay pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang makitang nasasaktan at nahihirapan ito. Nagtitiis nga siya hanggang sa kusa na maalala sila nito. Kanina nga din, napansin niya na titig na titig ito sa bracelet na suot niya. Halos kumabog nga ang dibdib niya nang makita iyon, inakala pa nga niya ay naalala nito iyon, na baka maalala nito na ito ang nagbigay niyon sa kanya. Pero umasa lang siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD