HUMUGOT ng malalim na buntong-hininga si Victoria nang muling makatapak ang mga paa niya sa Manila. Hindi niya sukat akalain na babalik pa siya pagkatapos ng mangyari sa kanya doon. Pero may bahagi kasi ng puso niya na nag-uudyok na bumalik do'n. Hindi para manggulo, kung hindi gusto niyang saksihan ang pag-iisang dibdib ni Francis ay ni Eliz. Alam niyang kahibangan ang gusto niyang gawin, sinabi niyang hindi siya masokista para saktan ang sarili kaya nag-desisyon na siyang umuwi ng Isla Azul, para hindi na makita si Francis. Pero ngayon, binawi niya ang sinabi niya. Gusto niyang maging masokista, gusto niyang masaktan ng todo, gusto niyang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Francis at ni Eliz. Alam niyang masasaktan siya ng sobra sa gagawin niya. Pero iyon ang naisip niya para once and f

