"VICTORIA, sit beside me." Napatingin si Victoria kay Danielle nang marinig niya ang boses nito. Hindi kasi niya alam kung saan sila pu-puwesto na dalawa ng anak sa harap ng hapag-kainan. Iyong spot kasi niya noong unang beses siyang naimbitahan do'n ay inupuan ni Eliz, of course magkatabi si Eliz at si Francis sa harap ng mesa. Hindi naman sinasadyang napatingin siya kay Francis at nakita niyang nakatitig ito sa kanya, pasimple na lang niyang inalis ang tingin dito pero nahagip ng tingin niya ang nakakunot na noo ni Eliz, na para bang sinasabi nito na outsider silang doon ng anak dahil hindi sila family member. Hindi na lang niya ito pinansin at humakbang na palapit kay Danielle. "Thank you," wika pa niya ng ipaghila siya ni Friedrich ng upuan ng makalapit sila, magiging katabi di

