Chapter 78

2236 Words

"C-CALLAH?" pumiyok ang boses ni Victoria nang marinig niya ang boses ng anak. "Callah, anak?" At nang marinig ni Callah ang boses niya mula sa kabilang linya ay narinig niya ang pag-iyak nito. "Nanay! N-nanay!" palahaw nito sa iyak habang paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan niya. Parang nadudurog naman ang puso niya nang marinig niya ang pag-iyak ni Callah mula sa kabilang linya. Narinig nga din niya na pinapatahan ni Victor si Callah sa pag-iyak nito. "Ate," mayamaya ay narinig niya si Victor. Mabilis naman niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. "Victor, nasaan kayo?" tanong niya sa kapatid. "Pupuntahan ko kayo," dagdag pa na wika niya. "Nandito kami ate sa address na binigay mo kay Kuya Jun," imporma ni Victor kung nasaan ang mga ito. "Hindi kami pinapasok dahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD