"CALLUM, Callah, tone down your voice. Your Nanay is still sleeping. Baka magising." Gising na si Victoria nang marinig niya ang boses na iyon Callum. Pero nanatili din siyang nakapikit at nagkunwaring tulog. "Hindi po natin gigisingin si Nanay, Tatay?" narinig naman niyang tanong ni Callah sa ama nito. "Baka late po siya sa work," dagdag pa na wika nito. "Walang pasok sa trabaho ang Nanay niyo. So, let her sleep. Pagod iyan," narinig naman niyang sagot nito sa anak. "Pagod si Nanay? Kiss ko siya, Tatay. Sabi kasi ni Nanay, kapag kini-kiss namin siya ay nawawala ang pagod niya," sagot ni Callah. "Tara, Kuya Callum, kiss natin si Nanay para wala pagod niya." "You can kiss your, Nanay. Pero mamaya na kapag nagising siya. Hayaan niyo muna siyang matulog," wika ni Francis. "Okay po

