Becky's POV
Sinipa ni Jude ang upuan nang makarating kami ng Apartment. Binuksan ko ang ilaw at agad isinara ang pintuan. Tumungo siya sa sala at padabog na hinubad ang kanyang jacket. Tinukod niya ang kanyang siko sa kanyang mga tuhod at sinapo ang buhok.
Randam ko ang kanyang kabiguan. Natatakot din ako lumapit at baka masuntok ako. Hinubad ko ang suot na heels at nilapag ang susi ng sasakyan sa mesa.
"Coffee or beer?" Kung wala siyang gusto sa dalawa, pwede kong i offer ang sarili ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Nanatili ang kanyang position kung kaya't dinalhan ko siya ng beer kahit hindi niya naman pinili ang uminom ng beer. Wala na rin kasing 3 in 1 coffee, nakaligtaan kong bumili.
Lumapit ako sa kanya at binuksan ang beer in can atsaka ko siya tinapik sa likuran.
"Magkikita din kayo balang araw." sa kulungan, jude.. Sa kulungan. "Wag kang mag-alala. Makakahanap din tayo ng paraan para makatakas ng bansa." Umupo ako sa tabi niya habang tinatapik pa rin ang braso niya.
"Sa ngayon magpahinga ka muna." Ani ko at nilahad ang beer sa kanya.
"Kailangan tayong makaalis ng bansa sa lalong madaling panahon." Aniya at kinuha ang beer tsaka nilagok. Napatingin ako sa kanyang adams apple na pumaibaba at pumapaitaas.
Pinunasan niya ang basang labi gamit ang baso at binigay sa akin ang can. "Hindi ako pwedeng mabulok sa bilanguan, becky."
Kung hindi mo pala gusto bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito? Tumango lang ako at hinagot pa ng mabuti ang kanyang likuran. "Hinding hindi, Jude." Sabi ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at humilig sa sandalan ng sofa. Tumingala siya at pumikit. Ilang sandali kami binalot ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang naiisip niya ngayon. Malalim ang kanyang paghinga at nang dumilat siya'y namumula ang kanyang mata.
"Mabuting tao si Ryan, siya nagturo sa akin maging matapang.Mabuti siyang kaibigan, kahit minsan hindi kami nagkakaunawaan." Ngumisi siya at tumingin sa akin. "Ang huling habilin niya kanina, magsumikap akong magkapera." Nagkatitigan kaming dalawa.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Kumalabog ang puso ko nang mapagtanto ang aking ginawa lalo na't hinawakan niya din ito. Nakakagwapo ba ang pagiging magaspang ng kamay ng mga lalake?
"T-tutulungan kita, Jude. " Damn! Nauutal ako! "Kailangan ko din ng pera pambayad ng utang.."
"Hindi mo kailangang mahiya kapang sinasabi mong may utang ka na kailangang bayaran." Aniya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumitiw ng pagkakahawak sa kamay niya.
Kaibigan ko si Jude at ganon din ang turing niya sa akin. Hindi dapat ako mahulog sa kanya. Mission lang ito, tandaan mo Becky! Saksak mo sa nguso mo!
"Sino may sabing nahihiya ako?" pilit kong tumawa.
"Namumula ka.." Tuluyan akong tumalikod sa kanya at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Hindi naman ako nahihiya kasi may utang ako, nahihiya ako sa kanya. Iyon ang totoo.
Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan sa aking likuran. Napatalon na lang ako sa gulat nang makita ko ang mukha niyang sumisilip sa akin, mga ilang pulgada lang ang layo.
"Pasensya ka na sa inasta ko, matalik kong kaibigan si Ryan. Naaawa ako sa kanya kanina nang mahuli siya ng mga pulis." Aniya. Lumayo ako upang tingnan siya ng husto.
"Ahh ehh..." Nawawalan ako ng salita.
Napatingin siya sa kawalan. "Marami kaming pinagdaanan at ito ang unang pagkakataon na na mahuli kami." Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Pero salamat pa rin, kahit palpak tayo kung hindi dahil sa'yo baka mahuli na rin ako."
Ginulo niya ang aking buhok. "Uh, manghihilamos lang ako ng mukha."
Di ko keri, ma su-suffocate ako. Bakit ko ba naging kaibigan 'to. Masyadong gwapo si Jude, parang modelo sa commercial ng brief.
Mayamaya sumagi sa isipan ko ang mukha ni Father Ignacio na winawaswasan ako ng holy water habang sinasabing.. 'Pagpalain ka at nawa'y ilayo ka sa temptasyon'. Opo, Father lalayo na po ako!
Jude's POV
"Umalis ka na, Jude!"
"Huwag kang lilingon, iligtas mo sarili mo!"
Naalala ko ang habilin ni Ryan nang maposasan ang kanyang kamay sa likuran. Sinipa ko ang kumot dahil sa inis atsaka ko itinago ang aking mata gamit aking mga braso. Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit kami na nahuli.
Hindi kami nagkulang sa plano, sinigurado naming hindi kami papalya pero hindi ko alam kung bakit at paano nalaman ng pulisya ang mga plano namin. Siguro nga'y kahit saan kami magtago ay minamanmanan kami.
Napangisi ako. Wala akong kawala, sa oras na lalabas ako sa apartment ni Becky baka sa bilangguan na nga ang hantungan ko. Kung hindi din dahil kay Becky, baka isa na ako sa na posasan kagabi.
Sumagi sa aking isipan si Vico Alonzo, kinuha ko ang binigay niyang papel noong bago kami mahuli na itinago ko sa drawer.
"Jude, itago mo ito." Aniya at binigay sa akin ang isang maliit na papel. Napatingin ako rito at mabasa ang nakasulat na email at password, at ang 'OZNOLA OCIV'
"Ano ito?" tanong ko sa kanya.
"File name. Kapag binuksan mo ang email, makikita mo yan. Dyaan mo malalaman kung saan ako nagtatago kapag nahuli tayo. Nandyaan din ang mga plano. Basahin mo lang. "
"Mahirap na Jude, sa mundo natin ngayon dapat may plan B tayo."
Nakabalik ako sa realidad nang narinig ang katok mula sa labas ng pintuan.
"Jude? Magandang umaga.." Si Becky... "Pinagluto kita ng umagahan, kumain ka ha. May pupuntahan lang ako." Dali dali akong bumangon at binuksan ang pintuan.
Naka puting blazer siya at naka maong pants. Nakatali rin ang kanyang buhok paitaas habang nagsu-suot siya ng boots.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa direksyon ko at agad na ngumiti pagkatapos uminom ng tubig.
"Magtatrabaho ako.." Aniya. Nakaramdam ako ng guilt, kung hindi lang kami pumalpak kagabi edi sana hindi na niya kailangan ituloy ang pag pi-pick up girl.
"Anong edad ang kliyente mo ngayon?" nabulunan siya at agad din pinunasan ang bibig.
"Bakit mo natanong?" Tumaas ang kanyang kilay. Gusto ko lang malaman, hindi ba siya nandidiri sa pinag-gagawa niya?
"Huwag ka ng pumasok sa trabaho." Sabi ko. Hindi nakakabuti sa kanya ang trabahong iyon, paano kong mahawaan siya ng sakit? Balita ko wala namang gamot para doon. "Bubuhayin naman kita." Dagdag ko at lumapit sa kanya.
Pansin ko ang agaran niyang pamumula. Parati siyang namumula kahit hindi nasisikatan ng araw. Iba talaga pag kutis artista. "Ano ka ba Jude, kailangan ko ito pantustos ng pangangailangan dito sa bahay atsaka... Anong bubuhayin ang pinagsasabi mo? Ni hindi pa nga tayo nakakuha ng pera sa target natin e." sabi niya at umiling.
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko talagang tulungan si Becky, mahirap talaga pag nalubog sa utang.
"Aalis na ako." Aniya pero bago siya makalabas ng pinto ay agad ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang kanyang kamay atsaka naman siyang humarap sa akin.
"B-bakit?" Pagtataka niyang tanong.
"Pwede ka bang lumiban muna sa trabaho?" Tumaas ang isa niyang kilay, nag aantay ng rason ko. "..sabihin mo muna sa kliyente mo na natatae ka, para maniwala."
Bigla siyang tumawa saka ko binitawan ang kanyang kamay.
"Ano na naman bang kalokohan pinagsasabi mo, Jude?" Aniya habang hindi maalis alis ang sa mukha ang ngiti.
"May pupuntahan tayo, pangalawang mission." Unti unting naglaho ang mga ngiti niya sa labi. Sumeryoso ang kanyang mukha at tumuwid ng tayo. "Kailangan natin ma contact si Vico Alonzo, becky."
Sumalubong sa amin ang maiingay na mga batang naglalaro sa tapat ng maliit na compute shop. Agad kong ibinaba ang sumbrerong suot at bahagyang itinaas ang kwelyo ng aking damit upang matago ang aking mukha pagbaba ng sasakyan.
May isang babaeng napatingin kaya agad akong umiwas sa kanyang mapanuring titig. Kahit saang sulok talaga ng lugar na ito ako magtago, kapag di ako nag ingat malaki ang tyansa na mahuhuli ako.
"Counter 7, isang oras lang." Sabi ni Becky sa babaeng nagbabantay.
Tumango ang babae at kinuha ang barya na binigay ni Becky sa kanya.
Agad akong nagtimpa ng email nang sa isang computer unit. Si Becky nama'y nasa aking likuran.
Agad kong binuksan ang naturang file.
OZNOLA OCIV.txt
Barangay Communal, Buhangin, Davao City. Dito ako nagtatago, Jude. Kung mababasa mo ito, Nag-iisang warehouse na abadonado lang meron sa lugar na iyon, hanapin mo ito.
Our Target- Christopher Tong isang game developer na may illegal activities online, gumagamit ng dummy accounts to scam other gamer na bumili ng binebenta niyang virtual coins upang sila'y makabili ng items needed for a particular game. When he received the details about the bank account of buyers, kukunin niya ang available money without the bank account owner knowing.
"Scammer ang target niyo?" Bulong ni Becky sa aking tenga.
Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg. Nagdulot iyon ng bultaheng kuryente na nakapagpatindig ng aking laman sa ibabang bahagi.
Jude, Focus! kaya bahagya akong lumayo. Napansin ko naman ang pag amoy niya ng sariling hininga.
"Nag toothbrush ako, Jude." Aniya. "Sa kinain ko siguro kanina. Alamang? " Rinig kong bulong niya at makamundong nag-iisip sa giliran at mas lalong inamoy ang hininga.
Tumikhim ako at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Kailangan natin makalabas ng bansa, may sakit ang dati kong asawa. Kailangan siya ma operahan sa lalong madaling panahon.
"Pag-ibig talaga." Komento ni Becky.
Hiniram ko ang cellphone ni Becky at tinimpa ang importanteng inpormasyon na nakalap upang tuntunin ang kaibigan kong si Vico Alonzo.
Hindi ako pwedeng pumalpak ngayon, kailangan kong matulungan si Vico. Naalala ko dati na mahal na mahal niya ang asawa niya kahit naghiwalay ang dalawa sa hindi alam na kadahilanan. Ang asawa niya'y naninirahan ngayon sa Singapore. Nagiisa at wala ring pamilya katulad niya.
Okay lang kahit wala akong parte sa mananakaw. Masiguro ko lang sina Becky na makabayad ng utang at si Vico na makalabas ng bansa. Mas nangangailangan ang dalawa ng pera kumpara sa akin. Kaya ko namang magtiis para sa kapakanan ng iba.
"Tara Becky," Ani ko sa kanya at pinatay ang computer unit.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya habang nakasunod sa aking na kasalukuyang pumapanhik sa palabas.
"Kay Vico Alonzo, Beck." Humarap ako sa kanya nang makaabot sa labas ng kanyang sasakyan. "Sa abandonadong warehouse sa buhangin,.."
Becky's POV
Pasulyap sulyap ako sa tabi kong si Jude na ngayong nakatanaw sa labas ng bintana at malalim nan nag-iisip. Hindi pa rin nawawala ang pagiging 'Jude' iyon bang mapagmahal sa kaibigan. Saksi ako dahil minsan niya na ako naging kaibigan... O kahit ngayon, siguro'y kaibigan pa rin ang turing niya. Hindi siya magbibigay ng tiwala sa aking kung hindi.
Lumiko ako sa sinasabing abandonadong warehouse. Madali lang matunton dahil nag-iisa lang naman ang naturang warehouse sa lugar na ito pero nakatago lamang sa liblib na lugar.
"Jude, seryoso ka bang nandirito iyon?" Tanong ko sa kanya at nilibot ang paningin sa kabubuan ng lugar.
Madilim at maraming alikabok. Pinapaligiran din ng nagtataasang mga punong kahoy sa kapaligiran. Paano mabubuhay ang lalakeng iyon rito? Bakit kailangan niyang magtago sa ganitong klaseng lugar kung hindi naman nagkakalayo ang selda rito.
"Vico!" Sigaw ni Jude at nagkaroon iyon ng echo.
"Jude. Baka marinig ka. Mahuhuli ka.." Nag-aalala kong ani at sumabay sa kanya sa paglalakad.
"Hindi magtatago si Vico sa ganitong lugar kung alam niyang may makakakita sa kanya." Bumaling ako sa kanya. Kilalang kilala niya ang kaibigan.
"Jude, kailangan pa rin natin mag-ingat." Ani ko. Hindi siya kumibo, wala siyang naging sagot sa sinasabi ko. Nako, Jude.
"Mahal mo talaga ako no, ayaw mo akong mahuli.." biglang aniya at ngumisi nang hindi tumitingin sa akin.
"Ha?! Kapal mo naman.." Ani ko, anong mahal? Attractive lang ako pero hindi ko siya mahal no, iisa lang ang minamahal ko.
"Mahal bilang kaibigan."
Napatango ako, bilang kaibigan pala. Bakit lahat na lang binibigyan ko ng kahulugan? Dapat maging kaswal ako gaya niya sa akin. Hindi dapat ako malinlang ng kanyang mabulaklaking salita..
Mayamaya pa'y nahinto siya at seryosong napatingin sa isang lalakeng nakatalikod na nakaupo sa isang malaking kahon.
"Vico.." utas ko.
Bumaling ang naturang lalake at napangiti sa aming pagdating. Makapal ang balhibo niya sa mukha at maitim ang balat. Naalala ko naman ang sinabi ni Mawe sa akin noong panahon inaaral namin ang bawat suspek na nakatakas.
"Vico Alonzo. 43 years old, nakulong ng sampong taon bago ulit ma recruit ng gang na ito. Wala itong pamilya, hiwalay rin sa asawa."
Lumapit siya sa amin at ginawaran ng mabilis na yakap si Jude.
"Welcome sa aking kaharian!" Aniya at binigyan ng isang sigarilyo si Jude. Teka? Naninigarilyo din ba siya? Lakas talaga ng impluwensa ng gang na ito sa kaibigan ko.
Tumagilid ang ulo ni Vico at napatingin sa akin.
"Kaibigan ko, si Becky..."
Nanliit ang kanyang mata at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Bumilis ang pintig ng aking puso sa kanyang mga binatawang salita...
"She looks familiar..."