A Night before the Bridal Shower... Nakahiga si Jude sa upuan habang ako nama'y nasa sahig. Nanonood kami ng Palabas, tungkol ito sa babaeng nagka amnesia ang asawa pero ang hindi niya alam ang patay na ang tunay niya ang asawa at kakambal na lang ng asawa niya ang kinakasama niya. Tumutulo ang luha ko habang kumakain ako ng mansanas. Panay punas ko sa sip on baka makain ko din ito. Napatingin ako sa gawi ni Jude, nakapatong ang paa niya sa may sandalan habang ginagawang unan naman ang palad niya. Tamad siyang nanonood ng T.V tapos mayamaya kukunin ang mansanas ko tapos kakagatin. "Hindi ka ba naiiyak?" Tanong ko at suminghap. Napatingin siya sa akin at ngumisi. "Inuuto ka lang ng direktor niyan." Aniya at ngumiwi. "Ang ganda ng palabas eh." pagdedepensa ko at nanood muli ng T.V. "W

