KABANATA 35

1567 Words
Kabanata 11 - Bangin ng Pag-Ibig "Ang aking pagiging imortal ay isang biyaya?" tanong ni Adelaida sa sarili habang palakad-lakad sa sariling silid. "Sino ang nililinlang ng lalaking iyon?" Magdamag na napaisip si Adelaida sa naging pag-uusap nila ni Stone. Palagi ring pumapasok sa isip niya ang mga ngiti ng mga taong nasa loob ng silid. Napapaisip rin siya na parang nahatak na rin ng masayang lugar na iyon ang kaniyang kalooban. Siguro'y isa siya sa mga nilalang na patuloy pa ring naghahanap ng isang tunay na kaligayahan. Napaisip rin siya sa pagkakaulit ng nakaraan. Kung patuloy siyang iiwas, hindi matutuldukan ang kanilang kapalaran. Ang sakit ay babalik at babalik, at kung wala siyang gagawin ay mas magiging miserable siya sapagkat sa lahat ng panahon ay mananatili siyang buhay upang masaksihan ang pagdurusa ng bawat isa. "Ako'y mababaliw na," sabi ni Adelaida at napaupo sa isang upuang gawa sa kahoy. Hinimas niya ang kaniyang batok at biglang napatayo. "Kailangan kong kumilos." Lumabas siya ng kaniyang apartment na hindi nagpapalit ng damit. Suot niya pa rin ang suot niya sa party kagabi. Magulo rin ang buhok at amoy-alak pa ang dalaga. Pinagtitinginan siya ng mga tao na labis niyang pinagtataka. Hindi na lang niya iyon inalintana at nagpasyang bilisan ang paglakad. Nang makarating sa tapat ng building kung saan matatagpuan ang condo ni Stone ay kumunot ang noo niya. Agad niya kasing napansin ang binata na nakasakay sa kaniyang motor. Mukhang nagmamadali ito dahil hindi niya agad napansin ang dalaga. Nagtaka naman si Adelaida nang bigla itong humarurot ng takbo. Sinundan niya naman si Stone gamit ang abilidad na makapunta sa ninanais na lugar sa isang iglap o ang teleportasyon. Nang makarating sa lugar na pinuntahan ng binata ay mas nagsalubong ang kaniyang kilay. Mga nag-inumang lasing na ngayon ay natutulog sa kalye. Mga barung-barong na sa isang hampas ng hangin ay agad na bibigay. Ang mga batang-kalye na nangongolekta ng mga basura sa umaga. Ang mga insektong dumadapo sa kaniyang balat at ang mga nagkalat na basura. Kahirapan. "A-Aray," napaluhod si Adelaida sa biglaang pagsakit ng kaniyang dibdib. Napadaing siya at hindi makagalaw sa kaniyang puwesto. Parang binibiyak ang kaniyang puso sa di malamang dahilan. Naguluhan siya sa kaniyang nararamdaman. Ang mga luha ay biglang bumuhos sa kaniyang mga mata at siya'y nagtatanong kung bakit. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya'y nasasaktan. "Nay! Please, tama na!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Napalingon si Adelaida sa kaliwa at nakita ang motor na sinakyan ni Stone sa harap ng isang barung-barong. "Huwag mong saktan si papa, kakagaling niya lang sa isang operasyon!" "Isa ka ring inutil ka!" sigaw ng isang babae at nakarinig siya ng isang malakas na kalabog. Pagkatapos 'nun ay biglang mas kumirot ang puso niya. "Kung pinakasalan mo lang ang babaeng 'yon edi sana nakaluwag-luwag tayo ngayon! Pareho kayo ng tatay mong bobo!" "Maamaa! Ayaw ko awaayy!" sigaw ng isang batang babae sa loob ng tahanan. Mas napaiyak si Adelaida. Ngayon ay alam na niya kung bakit. Sinasalo niya ang pait at sakit na nararamdaman ng lalaki. "Bahala kayo sa buhay niyo!" sigaw ng babae at biglang bumukas ang pinto ng tahanan. Nang iangat ang ulo ay nagtama ang kanilang paningin ni Stone na nasa loob ng barung-barong. Mas lalo siyang nakaramdam ng kirot. Sa gilid ni Stone ay ang nakaupong ama na hawak-hawak ang isang panyo na nakalagay sa noo na patuloy sa pagdurugo. Katabi niya'y isang batang babae na umiiyak. Nang medyo makabawi sa sakit ay tumayo si Adelaida at nilapitan ang kinaroroonan ni Stone. Tumakbo naman si Stone upang salubungin ang nanghihinang anghel. "Sht! Bakit ka andito?" tanong ni Stone. Siya'y nasurpresa't hindi makapaniwala. "Dalhin mo ako sa iyong ama, ngayon din," utos ni Adelaida. Hindi sana sasang-ayon si Stone ngunit wala siyang nagawa nang tumalim ang tingin sa kaniya ng dalaga. Habang naglalakad papunta sa barung-barong ay lumala ang kirot sa puso ni Adelaida. Nang tignan niya ang mukha ni Stone ay wala siyang makitang kahit na anong emosyon. Nang makapasok ay nakita niya ang isang maliit na silid. May isang lumang telebisyon at sa maliit na mesa'y tanging toyo at asin lamang ang ulam. Biglang nakaramdam si Adelaida ng awa. "Nobya mo ba 'to, anak?" tanong ng ama ni Stone. Nang makabawi ay agad na nagmano si Adelaida. "Hindi ako ang nobya ng iyong anak, ginoo," sagot ni Adelaida. Kumunot ang noo ng ama. "Isa akong anghel." "Mala-anghel nga ang kagandahan mo, ineng," puri ng ama. "Wow! Angel!" sigaw naman ng bata at pumalakpak. "She's Adelaida," pagpapakilala ni Stone. "She's my friend." "Kinagagalak ko po kayong makilala," sabi ni Adelaida at inabot ang kamay ng ama. "Masaya rin akong makilala ang kaibigan ng anak ko ngunit nakakahiya naman na sa ganitong sitwasyon pa," sagot ng ama. Hindi naman nagsalita si Adelaida at hinawakan lang ang kamay ng ama at ng bunsong kapatid. Nagtaka naman ang mag-ama ngunit hindi sila nagsalita. "Una cosa es dejar que lentamente sus heridas," sabi ni Adelaida. Ilang saglit pa ay nagliwanag ang katawan ng mag-ama. " llegando hasta que la sea aprendida." One thing is to let your heart heal its own wounds slowly. The pain will continue to come its way until the lesson is learned. Gumaan bigla ang mabigat na mga kalooban nila. Naghilom na rin ang sugat na gawa ng asawang labis na minahal ngunit ngayon ay galit ang nanaig sa puso ng babae. Maging ang kalungkutan sa puso ng bata ay naglaho. Nagulat ang ama sa nangyari. Nang mamulat ang mata'y agad siyang natakot sa misteryong bumalot. "A-Anong n-nangyar--" "Por favor, olvídame." Sana'y ako ay kalimutan. Sa isang iglap ay naglaho si Adelaida kasabay sa paglaho ng alaala ng mag-ama. Napadpad ang babae sa gilid ng isang bangin. Labis na nagulat si Adelaida sa lugar na sumalubong sa kaniya. Ang lugar kung saan nagsimula ang pag-iibigan. Ito rin ang saksi sa pagtatapos ng pagmamahalan. "Akalain mong buhay pa ang lugar na ito," sambit ni Adelaida at umupo sa gilid ng bangin. Pinagmasdan niya ang pagsikat ng araw sa pagitan ng lupa't langit. "Hindi pa rin nagbabago ang tanawin. Ikaw ba'y nagmamasid sa langit at inaalagaan ang ating paboritong tanawin?" Nawala na ang sakit na naramdaman ni Adelaida ngunit panibagong pighati ang bumalot sa kaniya. Ang pighati ng pagkawala ng tanging iniibig. Ang pagsisisi na siya rin ang dahilan kung bakit ito sumakabilang-buhay. "Dalawandaang taon na ang lumipas ngunit parang kahapon ka pa naglaho sa aking paningin," sabi ni Adelaida sa sarili. "Araw-araw akong nagigising na hindi pa rin nasasanay na hindi nasisilayan ang iyong wangis. Ang daya ng kalangitan, mahal. Ako'y nagnanais na makita ka ngunit ikaw ay malayang masilayan ako." Naglaho kang hindi naririnig ang mga katagang ninais mong marinig mula sa aking labi. Tumayo si Adelaida at pinagpagan ang sarili. Sa kabila ng sakit ay ngumiti siya ng mapait. "Hindi ko alam kung nagkaroon kayo ng kasunduan ng aking mga paa't dito niyo ako dinala ngunit masaya akong makabalik dito. Paalam, amor." Nang tumalikod ay nagulat siya nang makita ang isang lalaking nakatayo sa harap niya. Nakapamulsa ito at walang emosyon ang mga mata. Napahakbang si Adelaida paatras. "Anong ginagawa mo dito, mortal?" tanong ni Adelaida. Hindi naman nagsalita ang lalaki at umupo. "May pangalan ako, Adelaida," sagot ni Stone. Tinapik niya ang gilid niya. "Have a seat and let's talk about the guy you loved." Napaupo naman si Adelaida sa tabi ni Stone. Sabay nilang pinagmasdan ang pagsikat ng araw. "Hindi ko naiintindihan, ginoo. Bakit ikaw ay nakatira sa isang magarang silid samantalang naghihirap ang iyong pamilya?" pag-iiba ni Adelaida sa usapan. "Mahabang usapan," sagot ni Stone. Nag-iisip siya kung magtitiwala o hindi. "And I hate talking." "Ngunit binanggit mo kanina na maaari nating pag-usapan ang lalaking minahal ko, ikaw ay hindi tapat sa iyong mga salita." "Why would I spill my life on someone I don't know? And to you, a weird angel?" "Dahil isa akong anghel," sagot ni Adelaida. "Tinanggalan man ako ng pakpak, ako'y isinilang upang pangalagaan ang mga tao. Ang lahat ng hinanakit niyo'y hinanakit namin. Kung mahina kayo'y kailangan naming magpakatatag. Lagi kaming gumagabay sa sangkatauhan." "So that's why you healed my father and my sister?" "Ikaw ay nasasaktan kaya't nasasakal rin ako," sagot ni Adelaida at itinuro ang kadenang nasa leeg. "Kailangan kong sagipin ka sa sakit upang mailigtas ang sarili ko. At mukhang mahihirapan ako dahil hindi ka nagpapalabas ng emosyon, kinikimkim mo ang pait." Naging tahimik sila ng ilang minuto. Walang may gustong magsalita kahit marami silang mga inipon sa mga dibdib nila. "Ayaw kong maulit ang nakaraan, ginoo," pagbabasag ni Adelaida sa katahimikan. "Nais kong mag-aral upang pagmasdan kayo. Ako'y tulungan mo." "I know you'll say that," sagot ni Stone. "Don't worry, tutulungan kita. Huwag mo lang ipagkalat ang nakita mo ngayon." "Ako pa talaga ang pinagsabihan mo niyan, mortal?" "Stone ang aking pangalan, imortal." Natahimik si Adelaida. Gusto na naman niyang umiyak nang maamoy ang bango ni Stone. Hindi niya alam kung bakit parehas sila ng amoy. Ayaw niyang isipin na iisa lang sila. "Oo nga, ikaw si Stone." "Well, if I have to be honest, hindi Stone ang pangalan ko." "Ano? Bakit Stone ang bansag sa iyo?" "It's a code name," sagot ni Stone. "Code name? Para saan?" "You don't have to know." "Edi ano ang iyong tunay na pangalan?" tanong ni Adelaida. Tinignan siya ni Stone sa mata. "Ako si Alejandro." -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD