TW/ salita at eksenang hindi angkop sa mga bata Patay ka, Hiraya. Iyan ang paulit-ulit na sinasambit ng aking utak habang hawak ang maharlikang balat ng prinsesa. Agad akong nagsisi sa naging kilos at hiniling ulit na sana’y maglaho ako na parang bula. Talagang malalagot ako sa prinsipe nito dahil kumilos ako nang walang pahintulot mula sa kaniya. “Lapastangan!” sigaw ng prinsesa at hinila ang kaniyang kamay mula sa akin. Namumula ang parteng hinawakan ko. “Sa tingin mo ba’y malilinlang mo ako? Walang pinsan ang prinsipe na hindi ko kilala!” “Bueno, como prefiera, princesa,” sagot ko sa kaniya. Bueno, kung ano man ang iyong gusto, prinsesa. “Isa kang Espanyol?” tanong sa akin ng prinsesa. Mukhang unti-unti na siyang naniniwala sa akin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa bag

