Pagkahatid sa akin ni Alex sa bahay agad kung pinuntahan si Maddy sa kwarto niya. Nagdahilan ako kay Alex na masakit talaga ang ulo ko kaya di na ito nagpumilit pa na pumasok sa loob ng Bahay. Nakita ko si Maddy na nakaharap sa computer at naglalaro ng online games.
“Maddy.” Tawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa gawi ko ng marinig niya ang pagtawag ko sa kanya.
“Oh, bakit? ang aga mo namang umuwi. Di ba dapat 5 am pa?” tanong niya ng lumingon sa akin at binalik rin ang tingin sa harap ng computer. Lumapit ako sa kanya.
Di na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na sa kanya na alam na ni Nick na nasa bansa siya. “Nick already knew that your here in the Philippines.”
Biglang natigilan si Maddy sa ginagawang paglalaro. Namutla sya ng marinig niya ang balita ko at lumingon sa akin.
“How did he know? how?” Maddy asked me nervously.
“May nakakakita sayo. Si Theo. Bakit kasi di ka nag-iingat.” Naiinis na rin ako sa kanya. Mukhang mabubuking pa ang mga plano ko ng dahil sa kanya. “Ang mabuti pa, umalis ka muna ng bansa. Bumalik ka na sa State. Tulad ng dati. Dun ka muna hanggang sumuko na silang hanapin ka.”
Di nagsalita si Maddy. Tahimik lang siya at tila nag-iisip. Tahimik lang din akong nakatingin sa kanya. Nag iiisip ng maari pang maging plano ngayon alam na ng mga kaibigan ni Alex na nandito sa Pilipinas si Maddy.
“Five years na Kate pero hinahanap niya pa rin ako. Ayaw ko nang magtago. Pagod na ako. Wala naman akong kasalanan sa kanya para magtago ako habambuhay. Kung tutuusin dapat nga siya pa ang matakot na makita ko siya dahil siya ang may kasalanan sa aming dalawa! Bahala na pero di ako aalis ng bansa.” Determinado si Maddy habang sinasabi niya ang mga bagay na yun. Kahit ako sang-ayon sa sinabi niya pero paano ang mga plano ko?
“Paano naman ako? Pag nalaman nila kung nasaan ka, malalaman nila na magkakilala tayo. Tiyak na iimbestigahan na rin nila ako kung pano tayo nagkakilala at matutuklasan nila na ako at si Catherine noon ay iisa!” nag aalala ako na matuklasan nila ang nakaraan ko.
“Aalis ako, hindi ng bansa kundi dito. Lilipat ako sa lugar na malayo sayo. Yun lang ang naiisip kong paraan para di ka madamay.” suhesyon nya sa akin.
I look at her intently. “Hindi ko alam kung ang pag-alis mo dito ang makalulutas ng problema nating dalawa. Mahal na mahal ka siguro talaga ni Nick para hanapin ka pa niya after all this year. Bakit ba hindi mo siya nagawang mahalin noon?”
“Alam mo ang sagot diyan Catherine. Di ko magagawang mahalin ang lalaking iyon.” seryoso nyang sagot sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. Di ko rin masisisi si Maddy. May dahilan siya kaya di niya magawang mahalin si Nick. Isang madilim na nakaraan na di niya na matatakasan pa.
*************************************************************************************************************
KATE POV.
Kinaumagahan, nagising na lang ako na wala na si Maddy sa apartment. Nag-iwan siya nang sulat na may nahanap na siyang matitirhan sa Cavite. I contacted her at sinabi niyang okay lang siya. Ayaw ko man na malayo si akin si Maddy ay pareho kami na walang magagawa. Pareho kaming mapapahamak kapag nagkataon.
Halos mag iisang buwan na, pero wala pa ring nangyayari sa plano ko. Gabi-gabi kaming nagkikita sa club. Nahuhulog na kaya ang loob sa akin ni Alex? I need to find the answer. Pag masyadong magtagal ang lahat, baka matalo rin ako sa bandang huli. Sarili ko ang kalaban ko sa mga plano ko, ang damdamin ko para kay Alex. I need to do my next plan mamayang gabi.
Sinundo ako ni Alex nang gabing iyon sa apartment.
"Di mo na ako kaylangan pang sunduin Alex." Sabi ko sa kanya.
"But I want to Kate. Mabuti na rin na sunduin kita atleast alam kong safe ka. Gabi pa naman at delikado sa isang babae, lalo na sa isang napakagandang tulad mo ang magbyahe pa ng gabi." Malambing niyang sagot sa akin. Kapag ganito si Alex sa akin, di ko maiwasan ang di lumambot ang puso ko sa kanya. Unti-unting natutunaw ang yelo na nakabalot sa puso ko para sa kanya.
"Ganito ka ba sa lahat ng nagiging lena mo?" tanong ko sa kanya.
"Anong ganito?" balik niyang tanong sa akin.
"Yung ganito kalambing. Di ka ba natatakot na kapag lagi kang ganyan eh baka mahulog ang puso ko sayo?" pananakot ko sa kanya. I know na ayaw niya sa commitment. Ang kapag nagsalita na ang isang babae about her feelings ay iiwas ito.
"Bakit naman ako matatakot?" Itinigil niya ang sasakyan sabay baling nang tingin sa akin. Unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha. "Kung mahuhulog man ang loob mo sa akin wag kang mag-alala, Sasaluhin kita."
I look into his eyes. Ito na siguro ang tamang panahon para gawin ko ang sunod na plano.
"Paano kung sabihin kong gusto kita?” nanunukat kong tanong sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin pero di nag sasalita. Di ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. “Alex, I like you. I really, really like you." I hold his face and kiss his lips. "I hope you feel the same way."