Walang tigil sa pagtunog ang cellphone ko dahil sa mga text at tawag ni Alex. Alas dyis na kasi ng gabi pero di pa rin ako umuuwi. Nagpaalam ako kay Nick na kung pwede ay sa kanila muna ako magstay. Pumayag naman si Nick pero si Maddy ay kinukulit akong umuwi na ng bahay. Hindi ako pumayag dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kanya. Nakahiga na ako at handa na sanang matulog ng may kumatok sa pinto. Tatayo na sana ako ng marinig ko ang boses ng tao na nasa likod ng pinto. "Catherine, alam kung nandyan ka sa loob. Please, mag-usap tayo." Si Alex ang nasa labas ng kwarto. Nakikiusap sya na buksan ko ang pinto. Hindi ko alam ang gagawin ko kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi. Nagtatalo ang isip at puso ko. Gusto ko syang tiisin dahil sa nangyari kanina sa opisina nya.

